LOVING YOU A THOUSAND MORE-

  CHAPTER 1

 

HER heart is pounding at pinag papawisan na siya ng malamig,para siyang detective na palihim na sinusundan ang kanyang nobyo. She had been following him from his office to where he will go that she don’t know where to,malayo na sila ngayon sa bayan at tatlong oras nang sinusundan niya ang boyfriend niya hindi na sana niya papansinin ang pagdududa niya sa lalaki na tatlong taon na niyang kakilala at isang taon na niyang nobyo pero it is taking its toll on her already maraming beses din niyang pinag isipan ang hakbang niyang iyon tatlong buwan na rin na umaakto ng kakaiba at halos wala na itong oras sa kanya kapag tinatawagan niya ito sa cellphone nito hindi na niya ito nakakausap ng matagal dahil busy sa pag hahanda sa bago nitong negosyo,naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya kaya nag hihinala na siya at nakapag isip ng masama.

Nang nakita niya na lumiko ang kotse ng kanyang nobyo ay tinignan niya kung saan ito dumiritso,pumasok ang kotse nito sa isang naka bakod na isang palapag na gusali ay ipinarada niya sa gilid ng isang sari-sari store ang nerentahan niyang kotse,nag hintay muna siya ng limang minuto bago lumabas ng sasakyan nag buntong hininga muna siya bagp nag lakad para sundan ang nobyo niya. Magkahalong kaba at pagtataka ang nararamdaman niya sa mga oras na yon malayo sa kabahayan at karamihan ang gusali na may sementadong bakod. Sinubukan niyang buksan ang gate pero naka lock ito kaya dumapa nalang siya para maka silip sa maliit na siwang sa ibaba ng gate para makita ang loob ng establishment na ikagigimbal niya……..

Nang sumilip siya ay nagkataon din na may iilang aso na inilalabas mula sa loob ng gusali wala na itong balat at pinakamalala sa lahat ay mga buhay pa ito,naka sakay ang mga aso sa isang wheel cart kasunod ng inilalabas na mga aso ay ang nobyo niya na may inaakbayan na babae saglit na huminto ang dalawa at nag halikan,sa pagkakataong iyon napuno ng galit ang puso niya at tumayo na siya at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang head ng animal welfare kung saan siya nag vo-volunteer.

NAGISING na umiiyak si Fabiana napaginipan na naman niya ang nangyari sa kanya dalawang taon na ang nakakaraan,dalawang taon na siyang animal welfare volunteer noon nang matuklasan niya ang bago sanang negosyo ng kanyang nobyo na si Xin nakilala niya ito nang mag bukas ito ng isang internet shot kalapit sa coffee shop at flower shop niya,hindi niya akalain na mag bubukas iyo ng furr farm,tumatak sa isip niya ang kalunuslunos na hitsura ng mga asong binalatan ng buhay.

pagkatapos niya noon na tumawag sa head ng animal shelter kung saan siya nag vovolunteer para bumili ng mineral water pinakalma muna niya ang kanyang sarili bago tawagin ang pansin ng tindera na aliw na aliw sa pinapanood nitong palabas sa tv.

Pagkataposniyang bumili ng mineral water ay sumakay na siya sa sasakyanna nerentahan niya,pinayuhan siya ng kanilang head sa animal welfare na bumalik sa sasakyan at hintayin ang pag dating ng mga police na tatawagan pa noon ng head nila may mga listahan sila ng telephone numbers ng iilang police station sa cebu dahil sa larangan ng trabaho nila at nagkataon na nasa listahan nila ang telephone number ng police station ng badian cebu.

NANG dumating ang mga police ay sinalubong ito ni Fabiana at sinamahan niya ang mga ito sa kinaroroonan ng crime scene.

Pagkatapos mahuli ng boyfriend ni Fabiana kasama ng mga taohan at babae nito ay saka palang pumasok sa loob ng compound si Fabiana hindi siya nagpakita sa mga nahuli hindi siya pinapasok ng mga police sa loob ng gusali,sa loob ng gusali sa likurang bahagi nito ay nadiskubri ng mga police ang iilang peraso ng mga balat ng aso nanlumo si Fabiana nang makita niya ang mga ito nang ilabas nang mga police ang mga balat ng aso,na diskububri din ng mga polcie ang isang malaking hukay sa labas sa likurang bahagi ng gusali kung saan itinapon ang mga nabalatang aso.

Hinding hindi niya makakalimutan ang pangyayari na yun at minsan gaya ngayon ay napapaginipan niya ang nangyari at ang pinakamasakit sa lahat hanggang dun lang ang naalala nya wala na siyang maalala sa kung ano man ang nangyari sa kanya pagkatapos ng araw na yun.

Ayun sa kapatid niya tatlong buwan ang nakalipas ng pagkakadakip kay Xin ay nakatakas ito sa bilangguan at nagawa siyang dukutin nito at ginahasa kaya nabuntis siya ni Xin.

NATIGIL sa pag iyak si Fabiana nang naramdaman niyang gumalaw ang isang taong gulang  niyang anak na si Tom na katabi niya,nilingon niya ang bata sa pag aakalang nagising niya ito na nag iba lang pala ng posisyon sa pagtulog ang bata.

kinumutan niya ito ng maayos saka tumingin sa orasan,alas tres na ng nadaling araw bumangon na si Fabiana nag dasal at nag basa ng dalawang chapter ng verse sa bible niya bago lumabas ng kwarto,ganoon nag sisimula ang araw nilang magkakapatid kahit noon pa man dahil yun na rin ang turo sa kanila ng mga magulang nila at hindi na yun nabago pa lalo na sa madilim na bahagi ng buhay nila dahil kahit gaano man ka bigat ang pinag dadaanan nila ay may mga pangyayari pa rin sa buhay nila na paulit-ulit na ipinagpapasalamat niya sa Diyos gaya ng nakatakas siya mula kay Xin nang ma kidnap siya nito.

Habang mabilis na pinapatakbo ni Xin ang kotse nito ay nabuksan ni Fabiana ang pinto nang kotse at pikit mata siyang tumalon mula sa kotse,tinulungan siya ng isang guard sa isang gasoline station,nakita siya nitong duguan sa noo,walang malay at walang saplot sa katawan ayon pa rin sa kapatid niyang si Alexa.

Kamakaylan lang niya napasalamatan ang gwardia na tumulong sa kanya dahil dinala siya ng kanyang Lola at nag iisang Kapatid sa Japan,Filipina-Japaness ang mama niya at Filipino naman ang Papa niya.

Kalahating taon din na itinago siya sa Japan dahil sa nanganganib ang buhay nila mula kay Xin,ayon sa doctor na sumuri sa kanya ay may tama ng baril ang ulo niya mabuti nalang at daplis lang ito at may trauma din sa noo niya dahil na untog ang ulo niya sa isang concrete barrier sa kalsada na dahilan kung bakit siya nagkaroon ng Lacunar amnesia o Selective amnesia .

Sa tingin ng Lola ni Fabiana at Alexa ay balak talaga siyang patayin ni Xin kaya ipinalabas ng Lola at Kapatid ni Fabiana na patay na siya dahil sa mga panahong iyon ay hindi pa nahuhuli si Xin kaya sa tulong ng NBI nag tago sila sa japan nang kalahating taon.

NANG malaman nila na buntis pala siya isang buwan ang lumipas simula nung nag tago sila noon sa japan ay nag pasya ang lola nila na lilipat sila sa America,sa New York may dalawang palapag na apartment na pag aari ng lola nila,nag hintay sila ng pitong buwan na may mabakanti sa apartment nila at maipaayos bago sila lumipat.

Noong una ay nahihirapan si Fabiana na tangapin na nabuntis siya ni Xin pero nang ipinanganak na niya ang bata ay nanaig sa puso niya ang pagiging isang ina at naisip niya na hindi siya masamang tao gaya ni Xin na hindi niya tatangapin at mamahalin ang bata.

TATLONG linggo nang nakatira sa New York sina Fabiana nang makatangap sila nang balita na nahuli na ng mga Police si Xin,natagalan ang mga taga NBI at Police na mahuli si Xin dahil nagpa plastic surgery ito pero dahil hindi nakayanan ng assistant ng doctor na gumawa ng surgery kay Xin ay nakupag ugnayan ito sa mga police,dalawang araw palang ang lumipas nang mag assist ang witness sa doctor na mag plastic surgery kay Xin nang makita niya sa tv news ang tungkol kay Xin na wanted pala ito sa mga police.

Dinaig ng takot para sa pamilya at sarili kaya hindi agad ito nag sumbong sa mga police,nabalitaan din nina Fabiana na hindi nagpahuli nang buhay si Xin nakipag barilan ito sa mga police.

Makakatakas na sana ito nang mabaril ito ng isang police sa may binti gaganti sana sa mga police si Xin pero naunahan na siya ng police at nabaril si Xin sa dibdib na siyang ikinamatay nito.

Hindi man maganda ang nangyari ay its a huge relief para kina Fabiana na patay na si Xin along with DNA test result,documents na nakumpiska ng mga taga NBI sa bahay ni Xin at testimonya ng assistant ng doctor at ng mismong doctor sigurado na ang mga autoridad na si Xin nga ang napatay ng mga police.

SA buong durasyon ng nangyari ay naka supporta sa kanya si Alexa at Lola Grace niya,ang Lola nila ang tumayong magulang nila nang mamatay ang mga magulang nina Fabiana,bagong graduate ng business administration si Fabiana nang masangkot sa isang car accident ang mga magulang nila at namatay ang mga ito,mag babakasyon sana ang mga magulang nila sa bagiuo nang mabangga ng isang jeep na nawalan ng preno ang kotse ng mga magulang nila kaya nahulog ito sa bangin,nahulog din sa bangin ang jeep na may kargang mga gulay at prutas namatay din ang driver ng jeep tanging dalawang pahinanti lang ang nakaligtas sa aksidenting iyon.Nang mailibing na ang mga magulang nila ay nagpasya si Fabiana na magpaiwan sa Cebu samantalang ang kapatid niyang si Alexa na sixteen years old palang sa panahong iyon ay isinama ng Lola nila sa Japan para maipagpatuloy ang pag-aaral nito.

Habang si Fabiana inasikaso ang negosyo na naiwan ng mga magulang nila.

CHAPTER 2 

            

                  NAGISING si Keiji sa malakas ng buhos ng ulan sa labas,tumingin siya sa orasan na nasa bedside table niya 5:30 pa ng umaga linggo sa araw na yun kaya may oras pa siya para matulog uli,matutulog na sana uli siya ng nag ring ang cellphone niya,kunot noong kinuha ni Keiji ang kanyang cellphone na nasa bedside table katabi ng orasan.Nagtataka siya nang makita niya sa screen ng cellphone niya na ang pinsan niyang babae na si Ayumi anak ng nag iisang kapatid na babae ng papa niya,American-Japaness ito at dahil lumaki ito sa poder ng ama nito sa America kaya mas sanay ito na mag english pero kahit ganoon ay naging close pa rin ang mag pinsan kamakaylan lang ito nag decide na manatili muna ng matagal sa Japan.

“Konichiwa,my handsome cousin Goodmorning!”

Bati sa kanya ng pinsan niyang si Ayumi.

“Konichiwa Ayumi,O genki desu ka? why is it that my gorgeous cousin is calling me this early?”Si Keiji na nakangiti na pero inaantok pa rin.

“Your Ex-fiancee Tori have been calling and visiting me this past few days asking me as to where you are,Iam not suppose to tell you that she is keep asking and bugging me about you for days now,but i want to warn you that she is very persistent in finding you.’’

Sa puntong yun ay nawala na ang antok ni Keiji ng marinig niya ang pangalan ng Ex-fiancee niya tatlong buwan na rin siyang binubuntutan at kinukulit nito na magkausap sila at magkaayos sinabihan na niya itong napatawad na niya ito at na parti nalang ng nakaraan ang nangyari sa kanila pero hindi nakuntinto sa ganoon ang babae gusto nito na magkabalikan sila wala naman sanang problema kung mahal pa rin niya ito.

Totoong napatawad na niya si Tori kahit nasaktan siya nito husto ng ipag palit siya nito sa ibang lalaki sa araw mismo ng kasal nila,lahat ng pangyayaring yun ay nakaraan na at nakapag move on na siya at may mahal na siyang iba pero nawala din ito sa kanya at hindi pa rin niya makalimutan ang dalaga nakilala niya ito tatlong taon na ang nakakaraan sa animal clinic ng mama niya noon nang makapag rescue ng isang abused dog ang babae na may shop malapit sa clinic nila.Girlfriend palang niya sa panahong yun si Tori,naging kaibigan niya ang babae at naging suki na nila ito sa clinic nila binibigyan ito ng discount ng mama niya dahil malapit din sa mga hayop ang mama niya lalo na sa mga strays at naabuso kakagraduate lang niya noon kaya nag volunteer siya sa mama niya na maging assistant nito registered nurse na siya pero in honor of his mother ay nag aral din siya ng veterinary course,naging malapit siya sa babaing rescuer nang mamatay ang mama niya at iwan siya ni Tori sa panahong kaylangang kailangan niya ito.

“Dont worry cousin i will be careful just dont tell her where iam,she can’t find me easily because this past few months i will be attending some charity programs for the stray animals so iam not staying in one place for a long time my schedule here in the Philippines is full.’’

“Iam glad to know that cousin anyways you don’t have to worry i wont tell her as to where you are now,i will try to know what are her plans to find you and will tell you as soon as i can,i have to hang up now i have to prepare food that i would bring to moms house i will just call you again if something came up.’’

“Okey Ayumi thank you for calling me, please tell my regards to Auntie i hope to see you soon guys.”

“I might visit you there when iam done with my work here with Dad,Janna matta ne Kei.”

“Janna matta ne beautiful cousin.”

Hinintay muna ni Keiji na putulin na ni Ayumi ang tawag bago niya ibinaba ang cellphone niya,Hindi pinag tatagoan ni Keiji si Tori nagkataon lang na noon pa mang hindi pa nagpapakita sa kanya si Tori ay naka schedule na siyang bumalik sa Pilipinas para sa charity work na gagawin niya at sa mga nangyayari napag-isip isip niyang baka manirahan na siya sa Pinas for good.

Hindi na bumalik sa pagtulog si Keiji lumabas na siya sa kwarto niya para mag handa ng kanyang agahan maaga nalang siyang pupunta sa simbahan pagkatapos ay dadaan siya sa clinic ng mama niya para tignan kung ano ang kailangang ipaayos sa clinic dahil ipapaayos at ipa rerenovate niya ito para magamit niya ang clinic.

Umuulan pa rin ng  malakas nang umalis siya sa tinutuluyan niyang condo papunta muna siya sa mall para bumili ng maluluto niya at stock niya sa bahay at breakfast niya.Malapit na siya sa mall nang makita niya ang isang babae na may kinakargang asong duguan hindi niya maaninag ang mukha nito dahil naka yoko ito sa duguang aso ihininto niya ang kanyang kotse at nilapitan ito.

“Excuse Miss pwede kit-” Natigilan si Keiji nang makita niya ang mukha ng   babae namutla siya para siyang nakakita ng multo. “F-Fabiana?’’

Kumunot ang noo ang babae. “kilala mo ako? pasensya ka na ha kaylangan ko ng tulong na dalhin tong aso sa veterinarian.”

“Veterinarian ako tara sa kotse ko pupunta tayo sa clinic.” Si Keiji na aalalayan na sana niya si Fabiana huminto siya dahil hindi ito gumalaw sa kinatatayuan nito at nakita niyang nag aalinlangan ito kaya inilabas ni Keiji ang kanyang drivers license mula sa wallet niya at ipinakita niya ito kay Fabiana.

“My name is Keiji harada,Doctor Keiji Harada at your service.” Ngumiti si Keiji kay Fabiana.

“Member ka pa rin ba ng animal welfare group? ipapagamit ko sa’yo ang cellphone ko para tawagan sila ikaw muna humawak ng cellphone ko para mapanatag ka sa akin.” Si Keiji na kinukuha na rin ang cellphone sa kanyang bulsa.

“Pasensya kana ha tatangapin ko ang offer mo kaylangan ng agarang tulung ng aso need ko rin naman mag ingat lalo na babae ako.”

“I understand Fab.” Si Keiji na inalalayan at pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse.

“Salamat sa tulong mo,maduduguan pa ata ang kotse mo.” Si Fabiana na maingat na umupo sa passengers seat katabi ng drivers seat para hindi magalaw ang sugat ng aso.

“Ikaw okey ka lang ba? hindi kaba kinagat ng aso?’’ Si Keiji na pinaandar na ang kanyang sasakyan.

“Okey lang ako mabait naman itong aso hindi niya ako kinagat.” Sagot ng Dalaga na inayos ang pagkakahiga sa kanyang kandongan ang kawawang aso saka ito ginamit ang cellphone ni Keiji para tawagan ang kakilala nito.

Habang nasa byahe ay may mga tanong siya na nabuo sa isip niya,sigurado siyang si Fabiana ang kasama niya ngayon at nag rescue ng aso pero nag tataka siya kung bakit hindi siya nito kilala,bakit sinabi ng kamaganak nito na patay na ito? bakit ngayon lang ito nagpakita? pero sinarili nalang niya ang mga tanong na ito makapag hihintay naman siya,nag pigil siya ng emosyon dahil baka matakot ito sa kanya.Pagdating nila sa clinic ay laking tuwa ni Keiji na completo malinis at nasa maayos na kalagayan ang gamit ng clinic ng mama niya maayos pala itong na maintain ng caretaker din ng bahay nila ng mama niya.Kinuha ni Keiji yung aso at inihiga niya ito sa stainless steel na operating table mabuti nalang at nakaugalian na niyang mag dala ng sedative at anesthetic medicine,gloves sutures,suture needles at anti biotic powder laman ng emergency kit niya para kung sa kaling may emergency gaya ng sugatang aso na na rescue ni Fabiana.

Pagkatapos malagyan ng muzzle ang aso ay maayos naman na na inject ni Keiji ng sedative at anesthesia ang aso na hawak ni Fabiana pero hindi naman ito nanlaban relax ito sa presensya nilang dalawa pero mukha itong nang hihina at halos butot balat ang kawawang aso na nasaksak pala ito sa may hita nito malalim ang sugat nito kinuha niya ang dala niyang mineral water at nilinis ang sugat nang makita ni Keiji na fresh pa ang sugat ay inihanda agad niya ang mga gamit para tahiin ang sugat ng aso.

“Pwede pa tahiin ang sugat niya mabuti nalang nakita agad siya dahil kung hindi mauubusan siya ng dugo at mamamatay.’’

“Salamat sa pag tulong mo sa amin at pasensya ka na ha kung di agad ako nag tiwala sa’yo,nakausap ko ang kapatid ko at nasabi niya sa akin na kakilala ka namin actually sa boses palang ng kapatid ko sigurado akong excited at mag mamadali yung pumunta dito at tinawagan ko na rin ang head ng animal welfare group na sinalihan ko sinabihan ko lang ang head namin na nakapag rescue ako ng aso ipinapatanong kung magkano ang bill,ito nga po pala Doc ang cellphone mo salamat sa pagpapagamit mo niyan sa akin. ” Si Fabiana na isinasauli ang cellphone niya.

“Wala yun no hindi ako nagpapabayad sa mga ganitong case na nerescue,yes totoo yung sinabi ng kapatid mo kakilala ninyo ako ilang beses ko na rin na nakasalamuha kayong magkapatid,anyways pwede ko pang tahiin ang sugat ng aso para ma tigil na ang pag dudugo ng sugat niya.” Si Keiji na tinanggap ang cellphone niya mula kay Fabiana at inilagay niya ito sa bulsa niya.

“Sige po Doc maraming salamat po uli, pero okey lang ba talaga na hindi namin kayo bayaran? nakakahiya naman kami na nga natulungan mo papunta dito sa clinic mo.”

“kung may maitutulong po ako sabihin mo lang Doc.”

“Masaya akong makatulung sa mga strays para sa akin sapat na bayad na yung kaligayahan na nararamdaman kung nakatulong ako.” naka ngiting sagot ni Keiji.

Bago mag simula si Keiji sa pag tahi ng sugat nang aso ay pina hugas muna niya si Fabiana ng mga kamay at pinag suot ng gloves si Fabiana ang nag aabot ng mga kakailanganin ni Keiji sa pag tatahi ng sugat nang aso.

Pagkatapos matahi ang sugat at mag lagay ng gamot sa sugat ng aso at mag lagay ng e-colar para hindi nito magalaw ang bagong tahi na sugat ay inilagay ni Keiji ang aso sa bakanting crate.

Ilang saglit lang ay dumating ang bunsong kapatid ni Fabiana naging excited ito nang makita siya.

“Kuya Keiji!!!!” masayang bungad sa kanya ni Alex. “Ano na nangyari sa’yo kuya, kumusta na?”

Ngumiti si Keiji hindi pa rin nag babago ang kapatid ni Fabiana ito biba pa rin ito.

“Ito license vet na ako sa wakas,last friday ako dumating dito sa pinas galing Japan,kayo kumusta na,anong nangyari sa inyo masaya akong nakita ko kayo uli,bakit nabalitaan ko noon na patay na si Fab gayong buhay naman pala?”

“Yun lang kasi ang alam namin na solution para ma pangalagaan ang kaligtasan noon ng Ate ko mula sa ex boyfriend niya,last january kami dumating dito sa cebu galing davao mas maganda ang offer sa akin dito sa cebu bilang isang private nurse dito sa cebu sa isang private hospital.Noong dumating kami dito hindi kami magkanda ugaga sa pag explain sa mga kakilala namin noong nakita at nalaman nila na buhay pala si Ate,ngayon nasanay na ako at minsan natatawa nalang akong aalahanin ang mga naging reaction nila na parang naka kita sila ng multo nang makita si Ate na buhay na buhay pala.’’

“Masaya ako na nakita ko kayo uli,na napag desisyonan niyong bumalik ng Cebu dahil kung hindi hindi ko kayo uli makikita.” Si Keiji na walang pag sidlan ang tuwa niya na na nakita niya uli sina Fabiana.

Natigil ang pag uusap nila ni Keiji at Alexa dahil lumapit na sa kanila si Fabiana nag presenta si Keiji na ihatid ang mag kapatid hindi sana pumayag si Fabiana pero binuhat na ni Alexa ang crate na pinaglagyan ng aso at nililagay na ito sa sasakyan ni Keiji na ikinatuwa naman ni Keiji may mga tanong pa siya kay Alexa.

CHAPTER 3   

                            PAPUNTA na sana si Fabiana sa Simbahan ng makita niya ang isang stray dog na duguan na nasa gilid ng kalsada agad niyang pinahinto ang taxi na sinasakyan niya at dahil hindi pumayag ang driver na isakay nya sa taxi ang aso dahil baka mamamantsahan ng dugo nito ang taxi at nirerentahan lang nito ang taxi ay nag bayad nalang si Fabiana ng pamasahi niya at hinayaan nalang niya itong umalis,nilapitan niya ang aso at hindi naman ito lumayo sa kanya.

“Paano na ito? sana may dadaan dito na tricycle ngayon na mag papasakay sa atin papunta sa pinakamalapit na vet dito.” Si Fabiana na naiiyak na,lumapit sa kanya ang aso parang nag mamakaawa na tulungan niya maingat siyang umupo sa tabi nito at hinaplos maya-maya pa ay dahan dahan niya itong kinarga at maingat siyang kumilos para hindi masaktan ang aso,pag iyak nalang ang nagagawa nito dahil nanghihina ito sa gutom,uhaw at sa sugat na natamo nito nagpa linga-linga siya sa paligid nagbabasakali na may malapit na veterinary clinic kailangan na niyang dalhin agad ang aso sa veterenaryo at baka mamatay ito ilang taxi na rin ang pinapara niya pero dinadaanan lang sila nito naiinis na siya,mag lalakad pa uli sana siya nang may dumaang kotse at huminto sa kanila.

“Excuse Miss pwede kit-……Fabiana?’’

Kumunot ang noo ni Fabiana.“kilala mo ako? pasensya ka na ha kaylangan ko ng tulong na dalhin tong aso sa veterinarian.” Hindi napansin ni Fabiana ang reaction ng binata nang makita siya.

“Veterinarian ako tara sa kotse ko pupunta tayo sa clinic.” Sagot ng lalaki at inaalalayan siya nito palapit sa kotse nito natigilan siya dahil parang may kung anong nag coconnect sa kanila ng mahawakan siya ng estranghero at parang kinakabahan siya hindi siya gumalaw nag aalangan siya na tanggapin ang tulong nito.

Inilabas nito mula sa bulsa ng estranghero ang drivers license mula sa wallet at ipinakita ito sa kanya,binasa niya ito at nalaman niyang Keiji Harada ang pangalan nito,nagpakilala ito sa kanya at naioffer pa nito ang cellphone nito na gamitin niya sa pag tawag niya ng mga kasamahan niya sa animal welfare pero ang kapatid niya ang una niyang tinawagan pagkatapos ay ang head ng animal welfare group na sinalihan ang sunod niyang tinawagan habang nasa byahi sila papunta sa clinic.Nang matahi at magamot ang sugat ng aso ay nakampanti na siya at taos pusong nagpapasalamat si Fabiana sa Panginoon at kay Keiji.

 

NAKARAMDAM ng pagka asiwa si Fabiana at mabilis ang tibok ng puso niya sa presence ni Keiji kanina nung lapitan at makita niya si Keiji ay parang familiar ito sa kanya at nakilala niya ito di lang niya mawari kung saan niya ito unang nameet o nakilala nahahalata rin niya na hiyang at kampanti naman ang kapatid niya kay Keiji nung malaman nga kanina ng kapatid niya na kasama niya si Keiji ay natuwa ito at ngayon na nasa shop na sila habang inaayos niya ang pwesto ng bago niyang rescue na aso ay seryosong nag uusap ang dalawa kakarating lang nila galing sa clinic,sinulyapan niya uli ang aso mahimbing pa rin itong natutulog sa kubo na pinag lagyan niya nito,napag pasyahan niyang puntahan na ang anak niya sa kwarto nilang mag ina kasama ng on call na yaya ng bata bigla niyang na miss ang bata.

             Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nila nadatnan niyang nag tutupi ng mga natuyong nilabhang mga damit ang yaya ng bata habang natutulog pa ang anak niya.

              “Fab napa liguan ko na si baby at napainom ko na rin siya ng gatas.”

“Salamat Manang Matilda pasensya na po kayo at pinag duty ko kayo ngayong sunday may lakad kasi si Alexa kanina at nagka emergency pa.”

“Okey lang yun,maaga naman akong nakapag simba at wala akong gagawin sa bahay.”

“Pagkatapos mo po diyan bumaba na po kayo at mag merienda lalabas na po ako para asikasohin ang bisita namin ni Alexa.”

“Sige Iha mauna na kayo malapit na ako matapos dito.”

Pagkalabas ni  Fabiana sa kwarto ay dumeretso na siya sa kusina para mag handa ng merienda,kumuha siya ng cake na gawa niya kahapon at juice sa refregerator saka niya pinuntahan sina Alexa at Keiji.

“Mag merienda muna tayo tama muna yang pag uusap ninyo.” Bungad ni Fabiana kina Alexa at Doc Keiji. “Seryoso ata ang pinag uusapan ninyo ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Dagdag ni Fabiana na inilapag na ang dala niyang pagkain at juice sa center table.

“Wala lang ate nai-kwento ko lang kay kuya ang ilang bagay na nangyari sa atin while nasa ibang bansa tayo.’’ Si Alexa na kumuha ng cake…“Kuya Keiji tikman mo tong cake gawa to ni ate masarap trust me.” Pagmamalaki ni Alexa.

“Noon pa man ay masarap mag luto ang ate mo.” Pag sang-ayon ng binata.

“Paano tayo nagkakilala?’’ Tanong ni Fabaiana kay Keiji na na curious na rin.

“Suki ninyo noon na Vet ang Mama ko nagka kilala tayo dahil minsan din akong naging assistant ng Mama ko sa clinic niya.

“Ate matagal na nating kakilala si kuya Keiji,naikwento ko na sa’yo kuya may ilang memories o ilang tao na di na naalala ni Ate Fab dahil sa nagka Selective amnesia siya.

Nag buga ng hangin si Fabiana.“Bakit ba kasi yung mga pinaka pangit na ala-ala ang hindi nawala sa memorya ko.”

“okey ka lang ate? kung nalimutan mo yung mga ala-alang yun paano mo maipaglalaban ang case laban sa ex-boyfriend mo.”

“Lets not dwell too much sa nakaraan ang mahalaga ang ngayon.” Nakangiting turan ni Keiji.

“Yeah,tama kuya Keiji lalo na kung masama naman at nag bibigay lang ng bad vibes.”

“Tama,at kung masama man yung mga memories mo sa nakaraan be brave,be strong because of it and make a happy memories in the present that you would cherish.”

“ kuya Keiji,Pana ka po ba?’’

Kumunot ang noo ni Keije. “Bakit?”

“Sapol na sapol mo kasi eh.” Pag papatawa ng kapatid ni Fabiana.

“Ikaw talaga kahit kailan magaling ka pa rin sa pag papatawa.” Si Keiji na nakangiti at umiiling. “By the way Fab may anak kana pala how is he,gusto ko sana siya makita kung pwede?”

“Natutulog pa siya sige,pagkatapos nating mag merienda pupuntahan natin siya sa kwarto namin.”

Kinakapa ni Fabiana ang kanyang damdamin naging panatag na ang kalooban niya kay Keiji and somehow deep inside her knows na kilala niya noon pa si Keiji.

Nang matapos na sila sa pag memerienda ay nag punta nga sila ni Fabiana at Keiji sa kwarto nito para makita ang bata na gising na pala bumaba na ang yaya nito si Alexa naman ay hindi na sumama sa kanila,kinarga ni Fabiana ang bata para dalhin sa labas ng kwarto at ipinag patuloy ang kwentohan sa sala.Nalaman ni Fabiana na patay na pala ang mama ni Keiji  biktima ng pang hoholdup ang Ina ng binata nahuli din naman ng mga police ang nang holdup at nakabaril sa Ina ng binata dahil sa mga evidence at DNA na nakuha ng mga police mula sa biktima at na sa panahon ding iyong may pinagdadaanan din siya kaya naging sandigan nila ang isat-isa kaya naging close sila naikwento din sa kanila ng binata ang tungkol sa Ama nito at Pinsan nito na anak ng nag iisang kapatid na babae ng Ama ng binata at ang tungkol sa Ex fiancee nito.

Pagkalipas ng ilang minuto ng paguusap nila Fabiana at Keiji ay nag request si Keiji kay Fabiana kung pwede niyang kargahin ang bata,pumayag naman si Fabiana kitang kita niya kung gaano ka giliw sa anak niya si Keiji na ikinatuwa niya at ikinatunaw ng puso niya ng makita niya na tuwang tuwa ang anak niya kay Keiji.

“Pwede ka na maging ama kuya Keiji!” Si Alexa na galing sa kusena.

“Umandar na naman ang pagka lukaret mo Alex tumigila ka na diyan nakakahiya kay Doc Keiji.”

“But Ate Fab totoo naman ang sinabi ko eh at alam mo ba noon pa man siya ang dream at pinakaasam kung maging kuya.” Si Alexa na bumungisngis na si Fabiana naman ay napailing nalang..“Malala kana talaga sis,Doc pagpasensyahan mo na ang kapatid ko.”

“Nah i dont mind it fab total mukha namang totoo ang sinasabi ni Alex and please wag ka namang maging masyadong formal sa akin just call me Keiji.” Sabi ng binata kay Fabiana.

“Ikaw ang masusunod Doc.” Si Fabiana na naka ngiti…“Alexa samahan mo muna si Do-err Keiji dito at baka mangalay na siya kay Tom mag luluto na ako ng tanghalian natin alas onse na ng umaga.

“Okey Ate Fab ako na muna bahala dito sa mag ama mo este kina Kuya Keiji at Tom.” Pag bibiro na naman ni Alex kaya tinignan ng masama ni Fabiana ang kapatid niya pero hindi ito pinansin ni Alexa naka ngisi ito at bumaling sa binata kaya pumunta nalang si Fabiana sa kusina para makapag luto na.

Pagkatapos mag luto ni Fabiana ay inimbita niya si Keiji na sa kanila na ito mag tanghalian na hindi naman tinangihan ng binata pagkatapos nilang kumain ay nakipag laro agad sa bata si keiji gusto sana na ito na mag hugas ng mga pinagkainan nila pero sinabihan nalang ito ni Fabiana na makipag laro nalang sa bata total tinutulungan naman siya ni Alexa at nang matapos na sila sa pag huhugas ng mga pinagkainan nila ay pinuntahan niya sa kubo ang aso para dalhan ng kunting tubig at pagkain at para na rin ma check ang kalagayan nito.

Pagdating niya sa kubo ay nadatnan niyang gising na ito pero naka higa lang ito at nanghihina pa rin inilapag niya malapit sa aso ang dalawang bowl na may lamang kunting pagkain at tubig hinipo niya ito sa ulo at hinintay na kumain.Inamoy muna ng aso ang pagkain saka dahan dahan at paunti unting kumain ng makampanti sa lagay ng aso ay bumalik na si Fabiana sa loob ng bahay.

Sa sofa ay nadatnan niyang abala sina Keiji at Tom sa pag lalaro at si Alexa ay nasa pintuan ng kusina pinag mamasdan ang dalawa nilapitan niya si Alexa.

“Parang matagal na silang magkakilala kung makapag bonding ang dalawa ate oh,nakapalagayan agad ng loob ni kuya Keiji si Tom parang mag ama lang ang peg.”

“Hay naku ayan kana naman Alexa.”

“Peace Ate sinasabi ko lang naman kung ano ang na observe ko sa dalawa.”

Iningusan lang ni Fabiana ang Kapatid niya.

“O andyan na pala kayo,Fab kumusta na pala yung aso,nagising naba siya?”                            “Nagising na medyo mahina pa rin siya pero he is doing good kumain na siya ng kunti,sana mag tuloy tuloy na ang pag galing niya.”

“Buti naman kung ganoon,nga pala may naisip lang ako since hindi tayo nakapag simba ngayon iimbitahin ko sana kayo na mag simba mamayang hapon.

“Okey lang sa akin ikaw Alex sasama ka sa amin? isasama ko si Tom mamaya total hindi naman mainit.”

“Oo ate pero mauuna ako sa inyo mamaya dahil may lakad pa kami ng mga kaibigan ko susunod nalang ako doon sa inyo.”

“So kayo ni Tom ang susunduin ko mamayang alas tres y medya.”

“Deal.” Si Fabiana.

Nang Mapagod ang bata sa kakalaro ay nagpaalam na si Keiji sa kanila na uuwi na ito sa condo nito pagkaalis ng binata ay kinausap siya ng kapatid niya at  dala nito ang dalawang luma nilang album na naiwan nila doon sa bahay nila sa cebu.

“Ate para maniwala ka talaga sa akin at kay kuya Keiji ito ang mga pics natin karamihan diyan ay mga kuha ninyo habang nag rerescue kayo at habang nasa shelter kayo at birthdays mo at birthdays ko na nadadaluhan niya at ito yang kasama natin sa picture na’to Mama yan ni kuya Keiji na vet din.” Si Alexa na Itinuro ang isang picture nila kasama ang isang may edad na magandang babae sa isa sa dalawang albums na ibinigay nito sa kanya.

Tinignan nga ni Fabiana ang mga albums at totoo nga ang sinabi ni Alexa karamihan sa mga pictures nila sa mga albums na yun ay kasama nila si Keiji at may mga nakita din siya sa mga albums na yun na mga taong marahil ay nawala din sa memorya niya.

CHAPTER 4

PAGOD NA PAGOD na umupo si Keiji sa couch niya sa sala sa condo niya galing siya sa bahay nina Fabiana inihatid niya ito kasama si Alex at anak nito galing sa simbahan,iniisip pa rin niya si Fabiana at ang anak nito kanina para siyang natigilan ng makita niya ang bata,sigurado siya na may kamukha ito na hindi niya ma siguro kung sino at magaan ang loob niya sa batang yun,isang bagay pa ang iniisip niya ay kung paano uli makalapit sa puso ni Fabiana o paano niya maibabalik ang ala-ala nito sa kanilang dalawa,hinding-hindi na niya palalagpasin ang pagkakataon na iparamdam dito na mahal na mahal niya ito at sa sandaling iyon ay nag lakbay ang isip niya sa nakaraan kung paano siya naging malapit kay Fabiana.

 

                             Kagagaling lang niya sa libing ng kanyang Ina pagkatapos niyang ihatid sa mactan international airport ang Tita at Pinsan niya pauwi ng Japan ay sumaglit siya sa puntod ng kanyang Ina hindi na naman siya matigil sa pag iyak, hindi madaling tangapin ang paraan ng pagkamatay ng Mama niya bago ito barilin ng holdupper nito ay ginahasa muna nito ang mama niya na pauwi na sana ito sa condo nito sa manila sasamahan sana niya ang mama niya sa manila para sa charity event na dinaluhan nito pero wala pa siya sa mood para mag travel tatlong araw palang ang nakaraan ng iwanan siya ng fiancee niya sa araw ng kasal nila at sumama sa ibang lalaki.

                          Sinisisi ni Keiji ang sarili sa nangyari sa mama niya iniisip ni Keiji kung sinamahan sana niya ito sa manila siguro ay naipagtangol niya ito sa nangholdup at nang gahasa sa mama niya at siguro kaya hindi natuloy ang kasal niya ay para masamahan niya ang mama niya sa manila.Ilang minuto rin ang itinagal niya sa libingan ng Mama niya nang napagtanto niya na palubog na ang araw para siyang zombie na nag lakad pabalik sa kotse niya napag isip niyang hindi muna siya uuwi pupunta siya sa clinic ng Mama niya.

                           Pagdating niya sa clinic ng mama niya ay lalong nabalot ng lungkot,pangungulila at guilt ang puso ni Keiji.Sumalubong sa kanya ang katahimikan at dilim pag pasok niya sa clinic pumunta siya sa desk ng mama niya at binuksan ang ilaw ng lamp desk at umupo sa swivel chair,pinagmasdan niya ang picture nilang dalawa ng Mama niya noong graduation niya nung kumuha siya ng kursong veterinarian na naka frame katabi ng lamp desk ilang minuto din siyang nakatitig sa picture,maya maya pa ay tumayo na siya at lalapit na sana siya sa may pintuan palabas ng clinic nang nadaanan niya ang mga leash ng aso at pusa na naka sabit sa dingding kumuha siya ng isang leash ng aso at tinitignan niya ito umiiyak na naman siya sa pagkakataong iyon,sumagi sa isip niya na magpatiwakal  wala sa sariling bumalik siya sa table ng Mama niya at umupo uli sa swivel chair at tinitigan ang hawak na leash,kalahating oras din siyang tulala at wala sa sarili ng may dumating na kung sino hindi niya ito agad napansin pero ng bumukas ang pinto at pumasok sa clinic ay saka palang niya ito nilingon.

                            “Keiji? hating gabi na ah bakit nandito ka pa rin,you- look so tired and haggard anong nangyari ?” Bungad ng kaibigan niyang si Fabiana nahimigan niya sa tinig nito ang pag-aalala.

                            “N-nawawalan na ako ng dahilan para mabuhay,kasalanan ko kung bakit namatay si Mama,napabayaan ko siya,hindi sana mapapahamak si Mama kung hindi ko siya pinabayaang mag isa doon sa Manila.” Si Keiji na hindi na napigilang maiyak ulit.

                            humarap sa kanya at umupo sa harap niya si Fabiana,at hinawakan ang kanyang mga kamay bigla siyang nakaramdam na kung ano parang nag coconnect sa kanila ng Kaibigan niya.

                             “W-wag mong sisihin ang sarili mo may matindi kang pinag dadaanan at naiintindihan iyon ng Mama mo.”

                            “Alam mo Fab sumagi sa isip ko na m-magpakamatay ngayon na wala na si mama at napabayaan ko siya.”

                            Nagulat nalang si Keiji ng yakapin siya ni Fabiana ng mahigpit at umiyak din ito na pakiramdam niya ay may pinagdadaanan din ito.

                             “Maari mo ba akong samahan ngayon sa shelter?”.

                            “Ngayong dis oras ng gabi?” naka kunot ang noo ni Keiji,na kumawala na sa pagkakayakap ng kaibigan niya.

                            Tango at mapait na ngiti ang isinagot ni Fabiana kay Keiji.Nagtataka man ay sinamahan ni Keiji ang kaibigan niya sa animal shelter.

                             

                              PAGDATING nila sa Shelter ay masaya silang sinalubong ng mga aso sinalubong din sila ng isang staff sa shelter at pinapasok sa loob.

                             “Fab iha,mag duduty ka ngayon,malayo ang byahe mo kanina diba? at stress ka pa sa nalaman mo tungkol sa boyfriend mo.” Anang matandang staff na sumalubong sa kanila ni Keiji

                            “Okey lang ako Manang Trudis kasama ko naman si  Keiji dito.”

                           “Magandang gabi manang Trudis isinama po ako dito ni Fabiana.”

                            “Ay  Iho ikaw pala yan,Ano ang gusto ninyo kape,juice o ipagbibili ko kayo ng malamig na softdrinks?”

                            “Naku Manang ako na ang bahala magpahinga na kayo at ako na ang bahala dito sa shelter.”  

                            “Hindi hayaan mo nalang ako na mag iwan sa inyo ng maiinom o merienda ninyong dalawa.” Pagpipilit ng matanda.

                            “Okey manang ibili ninyo po ako ng softdrinks at biscuit ,ikaw Kei ano gusto mo coffee,juice or softdrinks ano gusto mong kainin? my treat.” Baling sa kanya ni Fabiana.

                           “ Softdrinks nalang wala akong gana kumain.”

                           “Manang isang pack ng biscuit at 1.5 na softdrink.” Si Fabiana na inabot ang pera sa matanda pero pinigilan iyon ni Keiji at sa halip ay siya ang nag bigay ng pera dun sa matanda para bumili ng merienda para sa kanila,wala ng nagawa ang kaibigan niya kundi hayaan nalang siya na e libre niya ng snack.

                            Habang nag hihintay sa kanilang merienda ay nilibot nila ang shelter at binisita ang mga aso na may mga kapansanan at nakaranas ng matinding pagmamaltrato.

                           “Alam mo they endure so much suffering,terror,fear and pain from their abuser o ang iba they endure the hardship of life dahil sa may kapansanan sila and yet they still remain strong,trusting,easy to forgive and cling to their dear f-fragile life,Kei- they are bless by God how much more tayong mga tao,ikaw kaya sana in due time mapatawad mo na ang sarili mo hindi solution sa problema ang pagpapakamatay,sigurado ako na hindi ka naman sinisisi ng mama mo sa nangyari  at na hindi ka niya gusto makitang lugmok at sinisisi ang sarili sa pagkawala niya.”  

                             Sa narining niyang iyon mula kay Fabiana ay naibsan ang sakit at bigat ng nararamdaman ni Keiji.

                             “Tama ka Fab,thank you for bringing me here and thank you for clearing up my mind and saving my life,inaamin ko dahil sa dami ng nangyari sa buhay ko nagulo ang isip ko,Salamat at dumating ka kanina at hindi mo ako iniwan.”

                             “Wala yun,masaya akong tulungan ka kahit sa maliliit na bagay lang tulad nito ngayon,pag sa mga ganoong sitwasyon na nawawalan tayo ng pag-asa at nakakaisip na magpakamatay kailangan natin ng kausap,makikinig hindi para huhusga sa pagkatao natin bagkus ay gagabay at uunawa sa sitwasyon natin.”  

                             Ngumiti sa kanya si Fabiaba pero hindi ito umabot sa mga mata nito,naalala ni Keiji ang nabanggit kanina ng matanda na may natuklasan ito na hindi maganda tungkol sa nobyo nito.

                            “If you don’t mind me asking ano pala ang nangyari sa’yo kanina? yung tungkol sa nabanggit kanina ni Manang Trudis tungkol sa boyfriend mo,nung umiyak ka kanina sa totoo lang ramdam ko na may pinagdadaanan ka rin?”

                             Humugot ng malalim na hininga si Fabiana bago nag salita.“He cheated on me pero wala sa akin yun ang masakit ay ang ginawa niya sa mga kaawa-awang aso,B-binabalatan nila ng buhay ang mga aso na nabibili niya he has a furr farm pala,wala akong pakialam kung iwanan niya ako at ipag palit sa iba pero ang e torture niya ang mga asong yun at hayaang unti-unting mamatay sa sakit ay hinding hindi ko mapapalampas,pampalubag lang ng loob na nadakip siya at nasa kulungan na.

                            This time si Keiji naman ang yumakap kay Fabiana para ma console ito.

                            “You are very strong  para harapin ang lahat ng yun,yet you are the very kind and warmest person na nakilala ko sa totoo lang sumagi sa isip ko ngayon na sana tayo nalang dalawa di sana hindi tayo parehong nasaktan at bigo sa pag-ibig.” Si Keiji na pilit na pinapagaan ang loob ni Fabiana.

                               Kumawala sa pagkakayakap niya si Fabiana at ngumiti..“Salamat at sinamahan mo ako dito didiretso sana ako dito kanina pero ewan ko ba di ko mapakali,kaya umuwi muna ako sa amin sa shop nang mapadaan ako sa clinic ninyo nag taka ako na may bukas na ilaw kaya pumunta ako sa  clinic ninyo para e check dahil akala ko may nakapasok na mag nanakaw.”

                              “Iam glad you came dahil kung hindi baka hanggang ngayon magulo pa rin ang isip ko at hindi pa rin natataohan or worst baka nagpakamatay na ako,at kaylangan mo rin ng kausap at kasama dahil may pinag dadaanan ka rin.” Si Keiji na ninakarga ang isang aso na wala ng hind legs,tatanungin sana niya kung bakit wala na ang  hind legs ng aso pero dumating na Si Manang Trudis dala ang snacks nila.

                              Mag damag sila ni Fabiana sa shelter mag mula noon ay tinutulungan nila ang isat-isa sa pinagdadaanan nilang dalawa,at halos araw araw ay lagi nalang silang magkasama paminsan minsan ay bumibisita sila sa puntod ng kanilang mga magulang at nag pipicnik.

Madalas pagka-galing niya sa trabaho bilang veterinary staff sa isang kakilala ng Mama niya ay sinasadya niya sa animal shelter si Fabiana para tulungan ito sa pag alaga ng mga aso at pusa na nasa shelter at kung may libre siyang pagkakataon ay sinasamahan niya itong mag rescue kadalasan ay sa hating gabi na kung sila ay nakakatanggap ng rescue request mula sa facebook fanpage ng Animal shelter na sinalihan ni Fabiana at nakakapag rescue kaya hindi niya ito hinahayaan na mag isa kahit may importante sana siyang gagawin ay hindi siya nagdadalawang isip na samahan ito sa pag rescue ng mga stray mapa aso man o pusa,hindi niya ito kailan man naririnig na nagrereklamo ito kaya minsang nang nakapag rescue sila ng apat na aso at tatlong pusa sa isang araw ay tinanong niya ito.

                              “Napaka tiyaga at napaka dedicated mo talaga sa kanila ano? pati sa mga need ma rescue para kang di nauubusan ng energy o para kang na rerecharge,bakit? if you dont mind me asking that to you.”

                              Nginitian siya ni Fabiana saka ito sumagot sa kanya…“Sa totoo lang marami ang dedicated na saktan ang mga animals o na ma torture sila just for the sake of fun or entertainment kunti lang talaga ang may malasakit sa mga animals lalo na sa mga stray animals,hindi ko maintindihan ang ibang tao kung bakit natutuwa silang manakit,mang abuse o mang torture ng kapwa lalo na ang mga walang kalaban laban na animals.”

                              “Ibat-iba kasi ang ugali na bawat isa sa atin at Compassion is a rare commodity lalo na pag dating sa mga hayop at alam mo you are burning with compassion towards animals at sa lahat ng nakilala ko ikaw ang pinaka masigasig,ma tiyaga at dedicated sa lahat na minsan na ooverwhelm ako,dinaig mo nga ako eh.” Seryoso at taos pusong pahayag ni Keiji kay Fabiana,no dull moments pag magkasama silang dalawa every moment with her is a memory to cherish,sa lahat ng pagkakataon na magkasama sila ay halos lahat ay oras nila sa pag rescue o sa pag aalaga ng mga aso at pusa sa shelter at sa pag punta sa simbahan sa araw ng linggo, o mag luto ng chicken teriyaki o tempura na paborito ni Fabiana at pang surprise niya sa dalaga kasama ng paborito din nitong bulaklak na puting rosas ,simula ng mamatay ang Mama niya ay si Fabiana na ang nag papagaan ng kanyang loob.

                     

Nag balik sa kasalukuyan ang isip ni Keiji nang may napansin siyang litrato niya noong bata pa siya na naka frame na nakasabit sa dingding ng condo niya,kaya pala familiar sa kanya ang mukha ng anak ni Fabiana,kamukhang kamukha niya ito noong bata ba siya halo-halong damdamin ang nararamdaman niya,maaring siya ang ama ng anak ni Fabiana at hindi ang Ex nito,noong bigla nalang nawala si Fabiana ay hinahanap niya ito dahil may nangyari sa kanila noong dalawang araw na itong nakatira sa bahay niya.Isang araw ay bigla itong nag yaya na makipag inuman sa kanya dahil nalulungkot at natutrauma pa rin ito sa nangyari sa kanya kaya pinagbigyan niya ito at sinamahan na uminom para hindi ito mapahamak.Sa kaibigan niyang may ari ng isang establishment na videoke rooms nang maka ubos na sila ng dalawang bote ng beer ay tumutol na si Keiji na umorder pa sila ng beer at nag yaya nang umuwi na sila hindi naman tumutol si Fabaina sa araw na yun ay nahalata ni Keiji na parang may bumabagabag sa dalaga kaya nang matapos itong kumanta ay hindi na niya mapigilang tanongin ito.

“Fab,kanina ko pa nahahalata sa’yo na may bumabagabag sa’yo.”

“Binalitaan ako ng mga police kanina na naka takas si Xin sa bilangguan nag bigay sila sa akin ng dalawang bodyguard nasa paligid lang sila naka manman at naka sunod sa akin pero natatakot pa rin ako Kei pinayuhan din ako ng mga police na lumipat na ng tirahan.”

                       “Pwede ka sa bahay namin malaki naman ang space ng bahay namin safe kapa doon dahil may guardya ang village namin kaya safe ka doon,sasamahan kita ngayon sa inuupahan mong apartment para kunin ang mga gamit mo hindi ka na safe doon.”

                      “Pasensya kana Kei ha at kailangan mo pa madamay sa problema ko ngayon.”

                      “You are not a burden for me Fab,tutulungan kita sa abot ng makakaya ko maliit na bagay lang yung patitirahin kita sa bahay namin ni mama sa totoo lang masaya akong may makakasama na ako sa bahay namin with my dogs.

                      “Salamat Kei.”

                      

                        At nang gabing yun ay sinamahan at tinulungan ni Keiji na mag impaki at mag hakot ng mga gamit si Fabiana pagkatapos ay inuwi na ni Keiji si Fabiana,tinulungan naman niya itong mag unpack ng mga damit nito sa kwarto na inilaan niya para sa dalaga,pagkatapos ay hinayaan na niya itong magpahinga,natulog siya sa sala para mabantayan ito.

                       Kalahating oras na ang nakakaraan ng biglang naalimpungatan si Keiji sa iyak ni Fabiana dali-dali siyang kumatok sa pinto nito.

                           “Fabiana open the door,bakit ka umiiyak?”  

                          Bumungad kay Keiji ang nanginginig at takot na takot na si Fabiana ng pagbuksan siya ng pinto ng dalaga.

                          “Shhhhh its okey nandito ako wag kang matakot ano ba ang nangyari?” Si Keiji na umupo sa gilid ng kama sa tabi ni Fabiana.

                          “N-napaginipan ko si Xin,Nakuha niya ako Kei a-at sinaktan..” Sagot ng kaibigan niya sa pagitan ng pag hikbi.

                         “Tahan na,masamang panaginip lang yun,hinding-hindi ka niya makukuha sa akin nandito ako at ang mga police na po-protektahan ka.” Pag-aalo ni Keiji kay Fabiana,pagkatapos niyang ikuha ng tubig at ipinainom nito ay hahayaan na sana niya itong iwan na sa silid nito at matulog pero pinigilan siya ng dalaga.

                                  “Please stay with me,wag mo akong iiwan.” Si Fabiana na umiiyak pa rin at nanginginig,parang dinudurog ang puso ni Keiji sa katayuan ngayon ni Keiji sa sarili niya alam niyang its beyond pity ang nararamdaman niya kay Fabiana na hindi niya napigilan ang yakapin na ito.  

                                 “H-hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako nakukuha Kei ramdam ko yun,may tiwala ako sa mga police at sa’yo kita ko na you cared so much for me pero hindi natin dapat ipag sa walang bahala ang masamang magagagawa ni Xin.”

                                 “Tama ka Fab.kaya nga dinala na kita dito to keep you safe at dadaan muna siya sa bangkay ko bago ka niya ma kuha sa akin.”

                                 Yumakap sa kanya ng mahigpit ang dalaga at sumiksik ang mukha nito sa braso niya.

                                 “K-kei I-ibibigay ko sa”yo ang sarili ko i wont gave him the last laugh and satisfaction g-gusto ko na isipin niya na hindi siya ang mahal ko na hindi siya ang lalaking naka kuha sa pagkababae ko.”

                                  Nang marinig iyon ni Keiji mula kay Fabiana ay para siyang naging tuod sa kinauupuan niya.

                                  “F-fab naguguluhan ka lang magulo ang isip mo sa ngayon,baka pareho nating pag sisihan pag dating ng araw kung gagawin natin ang sinasabi mo.”

                                  “No Kei hinding hindi ko pag sisisihan kung may mangyari sa atin ngayon,mas pag sisisihan ko kung makuha ako ni Xin at kung gagahasain niya ako at nalaman niya na siya ang unang lalaki sa buhay ko at he will be satisfied,wag mo akong aalahanin Kei kung ang inaalala mo ay ang magiging responsibilidad mo sa akin hindi naman ako mag hahabol sa’yo,iam serious.” Si Fabiana na umangat na ang mukha at nakipag titigan kay Keiji,he see tthrough her eyes love,determination at kita rin niya na seryoso ito,at nagulat si Keiji na nakaramdam siyang galit at selos ng maisip niya,kung makukuha nga ni Xin si Fabiana hinding hindi niya hahayaang mangyari yun.

                                    Gahibla nalang ang pagitan ng kanilang mukha sa sandaling iyon ay di na mapigilan ni Keiji na halikan si Fabiana ng bahagyang bumuka ang bibig ni Fabiana ay dahan dahan niyang ipinasok ang dila niya at ma explore ang bibig ng dalaga passionately,to him she has the sweetest,smoothest lips he ever kiss mas nakakaadik at nakakawala ng tamang pag iisip ang mahalikan niya ang mga labi ng dalaga,it was like forever ng tumigil sila sa paghahalikan para huminga.

                                    “Fab,are you sure sa gagawin natin ngayon? i guess you feel it too na hindi lang kita gusto pero pinahahalagahan din kita,n-na mahal kita.” Si Keiji na nag pipigil sa kanyang sarili.

                                    “Iam very,very sure Kei at Oo ramdam ko ang pagmamahal mo,mahal din kita pero i must say kailangan pa ng time ng puso ko para mag hilum ang sugat at takot na ginawa sa akin ni Xin.”

                                   “Then i will help you to heal your heart and take your fear away.” Si Keiji pagkatapos ay hinalikan niya si Fabiana at ihiniga sa kama at pumaibabaw siya,habang busy sila sa pag hahalikan ay busy naman ang mga kamay nila sa pag hubad sa mga saplot ng isa’t isa at sa gabing iyon ay may nangyari nga sa kanila ni Keiji at Fabiana,dalawang araw din silang naging masaya hanggang,isang araw pag gising ni Keiji ay bigla nalang nawala si Fabiana tinanong niya ang guard sa village nila hindi nito nakitang lumabas ng village si Fabiana kaya nag pasya siyang punta sa police at hanapin si Fabiana,kinabukasan ay nabalitaan nalang niya sa tv na na kidnap na ito ni Xin at  kalaunan ay namatay na ikinagulat niya hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na maka dalo sa burol ng labi ni Fabiana o makausap man lang ang Lola at Kapatid ni Fabiana dahil bigla nalang itong nawala at nagtago nag hire siya ng isang private detective para mahanap ang pamilya ni Fabiana pero bigo itong mahanap ang Lola at  si Alexa ayon sa nakalap na impormasyon ng na na hire niyang investigator itinatago ng taga NBI ang location ng kaanak ni Fabiana dahil delikado ang buhay nito mula kay Xin kaya itinigil nalang niya ang paghahanap sa mga ito dahil baka ito pa ang maging dahilan na manganib ang buhay ng Lola at Kapatid nito.

CHAPTER 5

ISANG gabi habang pinapatulog na ni Fabiana ang anak niyang si tom,kakatapos lang niyang matignan lahat ng pictures sa albums na ibinigay sa kanya ng kapatid niya nang maka tanggap siya ng text mula kay Keiji.

“hello Fabiana si Keiji to,pasensya kana ha hiningi ko kay Alexa ang number mo i was just dropping by para mag tanong kung okey ba kayo diyan at kung natutulog na ba si tom at para na rin makapag goodnight.”

Napangiti si Fabiana sa natanggap na text mula kay Keiji,parang may nagliliparang paru-paru sa tiyan niya.

“Oh Ate Fab nag text naba sa’yo si kuya Keiji? hiningi niya kasi sa akin ang cellphone number mo,nakalimutan kung banggitin sa’yo kanina.” Bungad ni Alexa sa kanya.

Fabiana rolled her eyes..“At nag tanong ka pa talaga oo nag text siya sa akin kakatext nga lang niya sa akin ngayon,ikaw talaga ha wag mong ibigay sa kung sino sino lang ang cellphone number ko.”

“Excuse me ateh, hindi naman ibang tao si Kuya Keiji itulog mo nalang yan baka inaantok kana.”

“Hoy babae,ikaw kaya itong dapat na matulog na maaga kang gigising bukas para sa OJT ninyo diba sa umaga na ang duty mo bukas,imbis na kami ni Keiji ang pag didiskitahan mo,atupagin at mag focus ka sa OJT ninyo at isa pa ikaw tong walang love life,ang magkaroon ng sariling love life ang pagdiskitahan mo at wag ako.” Pag iwas ni Fabiana sa kantyaw ng kapatid sa kanya.

“Akala mo lang wala pero meron meron meron?..”Ang kapatid ni Fabiana na kunyari ay nag dadrama at napapaisip.

“Heh! anong meron,NBSB ka kaya,sige napumunta kana sa kwarto mo naalibadbaran na ako sa’yo.”

“Oo na Oo na matutulog na po kamahalan,siya na nga itong tinutulungan sa love life nito uhmp.” Bulong ng kapatid ni Fabiana sa sarili nito pero narinig pa rin niya ito.

“Narinig ko yun Alex,matulog ka na.” Si Fabiana na tinignan ng masama ang kapatid niya na sinagot lang ng pagbungisngis ng kapatid niya.Nang makaalis na ang kapatid niya ay saka siya nag reply ng text kay Keiji.

hi Kei okey lang kami dito salamat sa pag aalala nag abala ka pa talagang mag text sa akin,nag hahanda na ako para matulog kakatulog lang ni tom,goodnight din :).”   Natulog si Fabiana sa gabing iyon na may mga labi for the first time mula nung magulo ang buhay niya dahil kay Xin..

MADALING araw palang ay nakatangap uli siya ng text message mula kay Keiji..“Goodmorning Fab maayos ba ang tulog mo kagabi,i hope.Oo nga pala babalik ako diyan sa inyo bukas para e check yung aso at para na rin mabisita kayo uli ni tom i hope you dont mind.”

Iiling-iling na naka ngiti na nag reply si Fabiana sa text ni Keiji.

Hello Kei Goodmorning din ang aga mo makipag text :) .Okey lang na bisitahin mo kami anong oras ka pupunta dito mamaya para maipaghahanda kita ng pagkain.”

Nag reply naman agad sa kanya ang Binata halatang hinihintay nito ang text niya…“No need,ako naman ngayon ang mag hahanda ng pagkain ngayon dadalhin ko dyan mamaya,see you soon kailangan ko na umalis ng bahay para pumunta sa clinic :) .”

Masarap sa pakiramdam at kinikilig si Fabiana na binibigyan siya ng pansin ni Keiji pero ipinagkibit balikat lang ni Fabiana ang nararamdaman niya dahil ayaw naman niya e miss interpret ang kabaitan ng binata at hindi pa niya naalala na kakilala nga niya noon pa si Keiji sa isip ni Fabiana wala namang masama kung kakaibiganin niya yung tao since tinulungan naman siya nito na ma rescue ang isang aso noong nagdaang araw.

Hindi mo na dapat abalahin ang sarili mo baka busy ka,pero salamat pa rin.”

reply niya sa huling text ni Keiji habang palabas na siya sa kwarto niya papunta sa kusina para mag luto ng agahan nila.

“Wow ate ang aga naman kayong mag text ni kuya Keiji.” Si Alexa na nakasalubong ni Fabiana mula sa kusena.

“Nag reply lang ako dun sa text niya,pupunta daw siya dito mamaya.”

“For sure mag dadala yun mamaya ng pagkain uuwi ako ng maaga mamaya ate ha,,sige at maliligo na ako isinaing ko na yung takure.”

“Ikaw talaga Alexa basta pagkain ang pag uusapan mapapauwi ka ng maaga ang takaw mo talaga eh hindi ka naman tumataba sayang lang ang pagkain.” Pagbibiro ni Fabiana kay Alexa.

“Okey lang yun Ate at least ako hindi ko na kailangan mag effort na magpapagutum para pumayat.” Ang kapatid ni Fabiana na nag pose at kumikimbot pa sa harap niya.

“Sige na ako na ang bahala dito sa kusina at baka ma late kapa sa duty mo.” Si Fabiana na napapangiti at napapailing nalang sa ginawa ng kapatid.

Pagkatapos maghanda ng ni Fabiana ng agahan ay inasikaso naman niya ang anak niya na kagigising palang,pagkatapos niya itong mapainom ng gatas ay inilabas na niya ito sa kanilang silid at inilagay sa crib nito na nasa sala nila para ipaghanda ito ng ipapakain niya na gulay na pakukuluan niya at e mash at lugaw.

Alas-tres ng hapon ay dumating sa bahay nila si Keiji at may dala nga itong pagkain niya at nagulat siya na ang paborito niyang pagkain na chicken teriyaki at favorite niyang bulaklak na white rose ang dala nito pero hindi niya ito isinatinig.                                      “Hindi ko makalimutan na paboritong pagkain mo yan,chicken teriyaki ang usual kung surprise sa’yo noon.” Pagkukwento ng binata kay Fabiana nang nasa kusina na sila at hinahanda ni Fabiana ang dala nitong pagkain.

“Smells and looks delicious.” Si Fabiana na natatakam sa pagkain na umuusok pa,

“Careful mainit pa yan.” Anang binata na umalalay na sa kanya na ilipat ang pagkain sa bowl.

Nang matikman ni Fabiana ang chicken teriyaki na dala ni Keiji ay bigla nalang siyang naka ramdam ng gutom at magana siyang kumain lalo na at sumabay sa kanya sa pagkain si Keiji,familiar din sa kanya ang lasa nito sa tingin niya ay sa lahat ng nakain na niyang chicken teriyaki na nabibili at niluto niya ay ang chicken teriyaki ni Keiji ang standout sa lahat sa panlasa niya.

“So ano masarap ba? kanina kapa tahimik diyan para tayong magkagalit nito habang kumakain.” Tanong sa kanya ng binata habang kumakain pa sila.

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot kay Keiji..“Pasensya kana ha nasarapan talaga ako sa chicken teriyaki mo ito ang pinaka best teriyaki na natikman ko.”

“Thank you for the compliment Fab,namimiss ko na yung pinupuri mo ako pagkatapos mong matikman ang niluluto kung chicken teriyaki para sa’yo.”

Natigil si Fabiana sa pag subo at na trigger na rin ang curiosity niya sa kung ano ang kwento ng pagkakaibigan nila ni Keiji na nawala sa ala-ala niya kaya kahit feeling niya ay awkward na gagawin ay nag tanong na siya sa binata.

“If okey lang sa’yo na kwentohan mo ako sa mga activities o bonding natin?”

“Usually pag free time natin noon ay nasa shelter tayo o di naman kaya ay nakikipag hide and seek sa mga dapat nating ma rescue na strays,may pagkakataon din na nag pipicnik tayo at bumibisita sa puntod ng mga parents natin sa totoo lang i miss those time.” Anang binata na nag lakbay ang isip sa nakaraan.

Nakaramdam ng kalungkotan si Fabiana.

“Pwede pa naman uli nating gawin ang mga yun diba? kung na miss mo na samahan kami sa pag rescue ay why not basta hindi lang nakakaabala sa’yo at sa trabaho mo.”

Nakita ni Fabiana na nag liwanag ang expression ng mukha ni Keiji napailing nalang ito dahil para itong bata na nabigyan ng kendi at tuwang tuwa.

“Thank you Fab at binibigyan mo ako ng pagkakataon maging malapit uli sa’yo kahit hindi mo pa ako naaalala.”

Ngumiti si Fabiana susubo pa sana siya uli ng chicken teriyaki ng mag ring ang cellphone na nasa bulsa ng shorts niya nag excuse muna siya kay Keiji bago sagutin ang tawag,ang head iyon ng animal shelter nila.

“Goodafternoon Fab,busy ka ba ngayon,may maiiwan ba sa anak mo?”

“Goodafternoon Miss Lanie hindi naman po ako busy ngayon,opo may maiiwan po sa bata nandito ang yaya niya at,maagang uuwi ngayon ang kapatid ko bakit po?”

“Kaka open ko lang ngayon sa fan page natin,may isang aso na kailangan ma rescue malapit sa basak pardo holy cross church ayun sa reporter isang itim na aso isang biktima ng hit and run,pwede ka ba ngayon at may makakasaba ka ba para makuha ang aso?”

Tinakpan muna ni Fabiana ang mouthpiece ng cellphone niya saka bumaling kay Keiji..“May kailangan akong ma rescue na aso na biktima ng hit and run,malapit daw sa basak pardo holy cross parish church pwede mo akong samahan ngayon?”

“Oo pwede kitang samahan iam good to go,ano pupunta na tayo ngayon?”

“wait.” Si Fabiana bago kinausap uli ang Head nila sa animal shelter.

“Okey po Miss Lanie pupuntahan po namin yun aso,kasama ko ngayon dito si Doc Keiji.”

“Good! sige i will hung up now para asikasuhin at masabihan ko ang reporter na papunta na kayo dun sa location ng aso thanks Fab maasahan ko talaga kayo.”

“Wala po yun sige po,sasabihan ko muna at mag papaalam sa yaya ng anak ko.”

Matapos makausap ni Fabiana ang head ng IRO animal shelter ay pumanhik na si Fabiana sa kwarto nila ng anak niya nadatnan niyang patulog na ang bata humalik siya sa pisngi ng anak niya saka nagpaalam sa yaya nito.

“Manang Matilda may sasagipin na naman kaming aso ikaw muna ang bahala dito may dalang pagkain si Doc Keiji inilagay ko sa oven tirhan mo po si Alexa.”

“Oo sige Iha ako na ang bahala dito.”

“Salamat po.” Si Fabiana na humalik sa pisngi ni Manang Matilda saka kumuha ng isang tuwalya at isang muzzle at ,saka lumabas ng kwarto at kumuha ng kunting manok sa chicken teriyaki at inilgaya niya sa plastic ziplock,kumuha ng pera sa alkansya nila na naka patong sa ibabaw ng refrigerator nila sa kusina saka lumabas ng bahay.

Sa labas na ng bahay na datnan ni Fabiana ang binata na naka sandal sa hood ng honda civic sendan nito,pinag buksan siya nito ng pinto sa passengers seat katabi ng drivers seat at isinara ang pintuan ng kotse para sa kanya saka ito sumakay at umupo sa drivers seat at pinaandar ang kotse,nakaramdam siya ng excitement na makakasama niya sa pag rescue si Keiji.

Dumaan muna sila sa clinic ni Keiji para kumuha ng isang dog carrier.Galing San Salvador street Labangon ay pitong minuto ang itinagal ng byahe nila papuntang Basak Pardo holy cross parish church nakita agad nila ang nasagasaang aso na nasa gilid ng kalsada kasama ng isang estudyanting babae kasama ang isang police.

Agad nila itong nilapitan dala ang isang muzzle,pagkain at tuwalya na dala ni Fabiana nagpakilala sila sa police at babae saka pinakain ni fabiana at pagkatapos ay sinubukan niyang hawakan ang aso sa may ulo nito nang magpa hawak ito ay hinimas na ni Fabiana ang ulo nito,inalalayan sila ng police na malipat nila ang aso papunta sa kotse ni Keiji nilagyan muna nila ng muzzle ang aso at kumuha ng plywood kung saan nila inilipat at pinahiga ang aso saka dinala sa kotse ni Keiji,nagpasalamat sila sa police na nangako sa kanila na iimbistigahan ang pangyayari saka sila umalis at dinala ang aso sa pinakamalapit na vet clinic na may X-ray nung binuhat kasi nila kanina ang aso ay umuungol ito na parang may bali ito sa katawan at hindi ito maka tayo.

Ipinaconfine nila ang aso sa clinic at si Keiji ang nag pumilit na mag bayad ng down payment nito hindi na naka angal pa si Fabiana,pagkatapos nilang mag bayad sa counter ay pumunta na sila sa Animal shelter para makapag report si Fabiana sa head nila.

“Hindi mo na dapat ginawa yun,nakakahiya na sa’yo ang dami mo ng nagawang tulong sa amin Kei.” Si Fabiana habang bumabyahe na sila papunta sa animal shelter.

Nagumiti sa kanya ang binata.“Hayaan mo na akong tumulong sa inyo,masaya naman ako sa ginagawa ko,relax ang maka ligtas tayo ng buhay sapat na sa akin yun at may bunos pa nga ang maka sama ko kayo.”

“Bakit ang bait bait mo sa akin,sa amin? sa totoo lang na oover whelm ako sa naitulong mo sa amin.”

“Mas malaki ang tulong na nagawa mo sa akin Fab at hanggang ngayon ay tumatanaw pa rin ako ng utang na loob at very thankful ako na nakilala kita,maalala mo rin ang araw na yun pag dating ng araw.” Anang binata na ipinaparada na ang sasakyan nasa animal shelter na sila sa mga sandaling iyon.

“Sana maalala ko na ang mga bagay na nawala sa memorya ko.” Si Fabiana saka nag buga ng hangin.”

“Wag kang mag alala nandito naman kami para sa’yo kung hindi mo man uli maalala ang mga bagay na di mo na maalala eh di gumawa nalang tayo ng mas masaya at mas makabuluhang ala-ala.” Si Keiji na hinawakan na ang mga kamay ni Fabiana.”

“Thank you Doc Keiji.” Si Fabiana na nahawa na rin ni Keiji na ngumiti.

NANG lumabas sina Fabiana at Keiji sa sasakyan ay sinalubong sila ng isa pa rin sa mga staff ng Animal shelter na si Manang Trudis.

“Manang Trudis magandang hapon.”Sabay na bati nina Fabiana at Keiji sa matanda.

“Magandang hapon din Iho,mabuti naman at naisama mo dito uli si Keiji Fab,kumusta kana Keiji iho matagal ka na ring hindi napasyal dito sa shelter ah.”

“Oo nga po Manang Trudis natagal kasi akong nakabalik dito sa Pilipinas isa na ako ngayong registered veterinarian.”

“Masaya ako at isa kanang ganap na veterinarian,nga pala hinihintay na kayo ni miss Lanie sa office niya pasok na tayo sa loob Fab at Doc Keiji.”

Kalahating oras din na nag usap at nag kumustahan sina Fabiana,head ng animal at si Keiji ay nagpaalam na sila kay Miss Lanie dahil may lakad pa ito para sa paparating nilang charity event sa kanilang shelter at sina Fabiana at Keiji ay tumulong kay Manang Trusdis at bagong animal shelter staff si Marky isang binatilyo na mag linis at paliguan ang mga aso naging smooth sana ang pag liligo nila sa mga aso ng biglang may narinig sila na nag aaway na aso dali dali nilang binanlawan ang huling aso na pinapaliguan nila ni Fabiana at Keiji.Pagdating nila Keiji sa front yard ng animal shelter ay mag nag aaway na dalawang aso nakawala na sana ang isang itim na aso mula sa pagkakakagat sa isa pang aso pero agad tumakbo si Keiji para awatin ang dalawa at dahil doon ay si Keiji ang nakagat sa kamay,hindi napigilan ni Fabiana ang binata na awatin ang mga aso at bigla nalang siyang napasigaw ng makagat na si Keiji habang ang binata ay napa ungol at napa pikit ng mariin sa sakit.

Madaling kinuha ni Fabiana ang first aid kit habang napakawalan ng binata ang sarili mula sa pagkakakagat sa aso,nilagyan nina Manang Trudis at marky ng harang at pinag hiwalay ang dalawang aso na nag aaway habang si Fabiana ay dinala si Keiji sa lavatory para malinis agad ang sugat nito.

Kumuha si Fabiana ng sabong panlaba para malinis ng maigi ang malalim na sugat ng binata pina dugo niya ito at pina at pinadaluyan ng tubig sa faucet ang sugat nito saka sinabnan.

“Pasensya kana mahapding mahapdi to dahil sabong pang laba ito para malinis ng maigi ang sugat mo.” Si Fabiana na nanginginig ang mga kamay,kinakabahan pa rin siya sa nangyari kanina.

“Iam okey Fab,wag kana masyadong mag alala malayo ito sa bituka, kakainject  lang sa akin ng Pre-exposure anti rabies vaccine last month at kamakaylan lang din ako na inject ng anti titanus booster.” Anang binata na hinawakan ang kamay ni Fabiana matapos mahugasan ang sugat niya.

“Samahan kaya kita ngayon sa hospital para ma check ang sugat mo?” Si Fabiana na nag aalala pa rin para kay Keiji.”

“Di na kailangan wag ka nang mag alala sa akin completo ako sa vaccine para protektado ako di naman maiiwasan na nakakagat tayo minsan ng mga na rerescue natin o ng mga gagamutin ko.” Pag aassure ng binata kay Fabiana para hindi na siya mag alala.

CHAPTER 6

HINDI na umangal si Keiji ng mag yaya na ito sa kanya na umuwi nag alala ito ng husto sa kanya gabi na ng makarating sila sa bahay ni Fabiana hindi pa kasi niya na check up ang kalagayan ng bagong aso ni Fabiana.Pag dating nila ay agad niyang pinuntahan kasama si Fabiana ang Kubo kung nasaan ang aso,nakakatayo at maayos na na naglalakan ang aso magana din itong kumain.Matapos niyang painumin ng gamot ang aso ay inimbitahan siya ng dalaga ng mag dinner sa bahay nito hindi siya naka tanggi dahil naging mapilit ito sa kanya.Ipinagluto siya nito ng tinulang bangus na subra niyang na enjoy dahil masarap ang pagkakaluto at dahil si Fabiana ang nag luto ng tinula para sa kanya.Pagkatapos nilang kumain ay sinamahan niya ni Fabiana sa pag huhugas ng mga plato nag pilit sana siyang tulungan na mag hugas ng mga pinagkainan nila ay tinangihan siya ng dalaga dahil sa sugat niya sa kamay.

“Natutuwa ako at nagustuhan mo ang niluto kung tinula ang gana mong kumain kanina,or baka naman dahil sa nagutom ka sa activities natin at sa nangyari sa’yo kanina?”Anang dalaga na inilalagay na ang mga nahugasang kubyertos sa dish cabinet.Nang humarap ito sa kanya ay hindi na niya napigilan na kanina pa niya gustong gawin,ang yakapin ito.

“Pasensya ka na kung masyado kitang pinag alala kanina,pero trust me i’m fine kaya wag kana sanag mag alala pa.”Si Keiji na nakayakap pa rin kay Fabiana.Nung una ay naramdaman niyang nanigas ang katawan at nagulat niya si Fabiana pero kalaunan ay yumakap din ito sa kanya.

“Iam sorry sa nangyari. kung di kita isinama sa pag rescue at isinama sa shelter hindi ka sana nakagat.” Anang dalaga na nakayakap pa rin kay Keiji.

“Hindi mo kailangan na mag sorry sa akin hindi mo kasal-anan ang nangyari kanina aksedinte yun we never saw it coming,i won’t mind na makagat ng ilang beses basta makakatulong ako at makasama lang kita .” Si Keiji na kumawala na sa pagkakayakap ni Fabiana at pinisil niya ang ilong nito na ikinabungisngis ni Fabiana.

“Ayan sa wakas napa ngiti din kita,kanina kapa nag aalala sa akin na sinabi ko naman sa’yo na okey lang ako.”

“Para naman akong bata nyan sa ginagawa mo eh.” Si Fabiana na hindi pa rin nawala ang ngiti sa mukha nito.

Hating gabi na ng magpaalam sana si Keiji kay Fabiana na uuwi na siya dahil hindi nila namalayan ang oras dahil nag eenjoy sila sa pagkukwentohan nila, pero hindi siya pinauwi dahil hating gabi na at natatakot ang dalaga na mag drive siya pauwi na dis oras na ng gabi pinahiram nalang siya ni Fabiana ng over sized t-shirt na pampa tulog at color blue nitong pajama.

“Kei sigurado ka bang okey ka lang dito sa sofa? pwede namang sa kwarto kana ni Alexa matutulog para comfortable at makatulog ka ng maayos, sa kwarto muna namin siya matutulog ngayong gabi.”

“No,no okey na ako dito sa sofa at isa pa sigurado akong natutulog na ngayon ang kapatid mo.”

Hindi siya nagpapilit kay Fabiana na lumipat sa kwarto ng kapatid nito totoo naman na comfortable na siya sa pwesto niya sa sofa,dinalhan siya nito ng unan at kumot at hinayaan siya nitong matulog pero pag alis nito ay hindi agad siya nakatulog na overwhelm siya sa tuwa na suot niya ang t-shirt at pajama ni Fabiana kaya madaling araw na siya dinalaw at iginupo ng antok.

PAKIRAMDAM ni Keiji ay may naka tingin sa kanya ng maalimpungatan siya kaya hindi muna siya nag mulat ng mata at nag kunwaring tulog maya-maya lang ay nakarinig siya ng nag bubulungan.

“Ate kanina ka pa diyan naka titig kay Kuya Keiji baka matunaw na ang kagwapuhan niyan sa kakatitig mo.”Anang boses na sa hula niya ay boses ni Alexa.

“Tumigil ka nga diyan at baka magising si Doc,sinusubukan ko lang if may maalala na ako tungkol sa kanya.” Bulong ni Fabiana kay Alexa.

“Ano kaba ate wag mo pilitin ang sarili mo kung hindi pa bumabalik ang mga nawala mong ala-ala.”

“Oo na,tara na sa kusena at mag hahanda na tayo ng agahan baka mamaya eh magising natin siya.”

“Or pwede rin ate na gising na siya at nakikinig sa atin.”

“Tumigil kana tara na sa kusena.”

Kasunod noon ay narinig niya ang mahihinang mga yapak nila ni Fabiana na papunta na sa kusena saka palang siya nag mulat ng kanyang mga mata at napangiti.Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone alas kwatro pa ng madaling araw napagpasyahan niyang matulog uli dahil inaantok pa siya dahil alas dos ng madaling araw na siya naka tulog.

SINAG ng araw ang gumising kay Keiji tumayo siya at nag inat ng katawan saka tinupi ng maayos ang kumot na ginamit niya at inilagay sa ibabaw ng unan saka siya nag punta sa kusena naabutan niyang pinapakain ni Fabiana ang anak nitong si Tom. “Goodmorning Fab pasensya na late na akong nagising madaling araw na kasi ako nakatulog.” Bungad ni Keiji kay Fabiana.

“Okey lang,hindi ka naging komportabli sa sofa ano? sabi ko naman sa’yo kagabi na sa kwarto kana muna ni Alexa matulog para makapagpahinga ka ng maayos.” Baling sa kanya ni Fabiana.

“No hindi comfortable naman ako doon sa sofa,sadyang madaling araw na ako dinalaw ng antok.”

“Baka namamahay ka lang.” Si Fabiana.

Nag kibit balikat lang si Keiji.

“Oh for sure gutom kana ma upo kana at ipag hahanda na kita ng pagkain at ulam.”

“Tutulongan na kita.” Pag boboluntaryo ni Keiji.

“Wag na bisita ka namin dito.” Si Fabiana na kumuha na ng ulam at Kanina kaya binantayan at inaaliw nalang niya ang bata na naka upo sa sarili nitong upuan na may sariling mesa.

Tinawag siya ni Fabiana ng matapos na ito mag handa para sa kanyang agahan.

“Pasenya kana Fab ha kailangan ko umalis agad pagkatapos kung kumain marami kaming gagawin ngayon sa clinic para matapos agad namin ang pag rerenovate sa clinic ni Mama.’ Si Keiji na mag sisimula pa lang na kakain.Bacon,Ginisang ampalaya na may halong itlog at Hotdog ang inihain sa kanya ni Fabiana.

“Okey lang kahit mag eat and run,basta busog ka,may laman ang tiyan mo bago ka pumasok sa trabaho.”

“Thank you.” Si Keiji na ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.

NAG bihis siya ng kanyang damit bago magpaalam kay Fabiana,umuwi muna siya sa kanyang condo bago pumunta sa clinic ng kanyang Mama,masaya siyang binati ng mga taohan niya na nag rerenovate ng clinic,naging abala siya buong umaga sa pag tulong sa pag pag renovate ng clinic ng mag tanghalian ay aalis sana siya para bumili ng snacks nila ng mga taohan niya ng surprisahin siya ni Fabiana,dumating ito sa clinic at may dalang pagkain para sa kanila.

“Mabuti nalang pala talaga at dinamihan ko ang niluto kung humba para sa inyo.” Bungad sa kanya ni Fabiana.

“Salamat Fab,sino ang naiwan ngayon sa anak mo?”

“Si Manang Matilda,sige na kainin na ninyo tong dala ko mag tanghaian na kayo.” Si Fabiana na inaayos na niya ang dala niyang pagkain at inilagay sa mesa,may dala din itong malamig na juice para sa kanila na ipinasok na ng isa sa mga taohan ni Keiji.

Pagkatapos nilang mag tanghalian ay hindi pa rin umuwi si Fabiana tumulong muna ito sa paglilinis sa loob ng clinic,alas kwatro na ng hapon ng mag pasya si Keiji na magpahinga na sila,pagkatapos nilang mag merienda ay inuwi muna niya si Fabiana bago siya umuwi sa condo niya at naisipan niyang mag luto ng chicken adobo at dadalhin niya ito sa bahay ni Fabiana he will surprise them,kahit pagod siya ay nanaig ang kagustuhan niyang puntahan ito at na mimiss na rin kasi niya ang anak nito kaya nag mamadali siyang maligo at mag bihis saka mag luluto.

Tumawag muna siya sa bahay nila ni Fabiana ng maluto na niya ang chicken adobo si Alexa ang naka sagot ng tawag niya,gusto niyang maka siguro na nasa bahay ang mga ito hindi niya sinabi kay Alexa na bibisita siya dahil baka madulas ang dili nito at masabi sa ate nito na pupunta siya.Nang maihain na niya ang niluto niya at malagay na ito sa tupperware ay umalis na siya ng bahay dumaan muna siya sa isang icecream store at bumili ng dalawang gallon ng ice cream at pumunta din siya sa petshop para bumuli ng dog treats at dogfood para sa na rescue ni Fabiana saka siya dumiretso sa bahay nito.

“Ate!!!!! nandito si Kuya Keiji at may dala siyang pagkain at dessert na ice cream.” Si Alexa ng dumating siya sa bahay nina Fabiana napapailing nalang siya dahil subrang excited ito sa pagkaing dala niya.

Nagmamadali namang lumabas si Fabiana galing sa kwarto nito.“Alexa naman patulog na si tom wag kang mag iskandalo diyan.” Saway ni Fabiana sa kapatid nito.

“Good Evening Fab,gusto ko kasi kayong surprisahin kaya ito nag dala ako ng chicken adobo at ice cream may dala din akong treats at dogfood para sa aso na na rescue mo the other day.” Si Keiji na inilapag na sa center table ang dala niyang pagkain at ice cream.

“Ay oo nga pala ate speaking about doggie hindi pa natin siya nabibigyan ng name may naisip kasi akong ipangalan natin sa kanya kung okey lang sa inyo.” Sabat ni Alexa sa pag uusap ng dalawa.

“Ano naman yun?” Si Fabiana na parang nag dududa ito sa kapatid,siya man ay nag dududa rin nito malamang ay kakatawang pangalan ang ibigay niya sa kawawang aso.

“Kuracha ate o di naman kaya ay baliling.” Pa inosenti nitong suhestyon.Kita niya sa reaction ni Fabiana na nagpipigil itong ngumiti at umiiling pero siya ay hindi na niya napigilang ngumisi.

“Kahit kailan talaga,you never fail to amaze me Alexa ang husay mo pumili ng pet name.” Si Keiji.

“Anong mahusay dun,sus ko po ang badoy na pangalan naman nun kawawang aso kung yun ipapangalan natin sa kanya,Alexa kung magkakaanak ka na ano kaya ipapangalan mo sa kanya kawa-awang bata.” Si Fabiana na umiiling na naman.

“Kumain muna tayo,nagugutom na ako.” Si Alexa na nakabusangot.

“Mabuti pa nga nagugutom na rin kasi ako.” Sang ayon ni Keiji kay Alexa.

“Keep distance ka kasi kay Doc,Alexa nakakahawa ang pagiging matakaw mo at pagka luka-lukahan mo minsan tara na sa kusena .” Pagbibiro ni Fabiana na kinuha na ang dalang pagkain ni Keiji para dalhin na sa kusina.

Tinulungan niya si Fabiana na mag handa ng mesa para maka kain na sila habang si Alexa ay pinuntahan sa kubo ang aso para pakainin ito.

“Salamat ha at hinayaan mo akong maging malapit uli sa inyo,kahit hindi mo pa uli ako naalala.”Si Keiji na nilalagay na sa mesa ang mga plato,kutsara,tinidor at mga baso.

“Panatag na naman ako sa’yo dahil ramdam ko naman na mabait ka at may ipinakita sa akin si Alexa na mga albums kung saan may ilang pictures na kasama ka namin sa mga ibat ibang okasyon.”

“Talaga mamaya kung pwede gusto ko rin sana tignan ang mga pictures na yun.”

“Oo naman pagkatapos nating kumain ipapakita ko sa’yo ang mga pictures.” Si Fabiana na inilalagay na ang kanina at ulam sa mesa.

“Kaya may utang ka sa akin kuya Keiji iningatan ko yung mga albums na yun sa cabinet ko para hindi mawala o masira.” Si Alexa na kararating palang galing sa pagpapakain sa aso.

Napakamot sa ulo si Keiji. “Oo nga Alex malaki ang utang na loob ko sa’yo.”

“Anong pinagsasabi ninyo diyan na utang gutom lang yan, kumain na nga tayo.” Si Fabiana na pailing iling sa kanilang dalawa ni Alexa.

Habang kumakain ay napag usapan nila ang tungkol sa naisip ni Fabiana na ipapangalan nito sa bago nilang aso,na sinangayunan naman nila ni Keiji at Alexa.

Si Fabiana ang nag hakot ng mga hugasin,si Alexa ang nag hugas ng mga pinagkainan nila at si Keiji naman ay nag volunteer na mag linis ng mesa. Pagkatapos nila sa kusena ay nagkwentohan sila ni Keiji at Fabiana at ipinakita sa kanya ng dalaga ang mga albums na ibinigay ni alexa kay Fabiana.

“Ito kaninong puntod tong binibisita natin sa picture na’to?” Si Fabiana na itinuro ang isang picture nilang dalawa na sa likod nila ay isang puntod.

“Puntod yan ng Mama ko Fab,sinasamahan mo ako tuwing naisipan kung bumisita sa puntod niya ako naman sinasamahan rin kita pag naisipan mo namang bumisita sa puntod ng mga parents mo.”

“Naalala ko hindi pa pala namin nabisita ang puntod nina papa at mama.”

“Gusto mong bisitahin ang puntod nila? kung gusto mo sasamahan ko kayo ni Alexa.”

“Hindi ako pwede this week dahil marami pang gawain sa shelter,nextweek naman magsisimula na ang renovation ng shop namin siguro sa susunod na linggo nalang after natin na mag simba.”

“Okey,pwede natin isama sa pamamasyal si Bonchun malamang nag hihilum na ang sugat niya sa araw na yun.” Si Keiji na ang nabanggit nito ay ang na rescue ni Fabiana nung nag daang araw.

“Ikaw ang bahala,teka ikaw nabisita mo na ba ang puntod ng Mama mo?”

“Hindi pa naging abala na ako sa pag renovate ng clinic ni Mama na magiging clinic ko pagkatapos nating bibisitahin ang puntod ng mga magulang mo ay bibisitahin natin ang puntod ni Mama kung okey lang sa’yo.”

“Okey lang.” Si Fabiana na tinitignan uli ang mga litrato nila.

Napapangiti si Keiji habang pinag mamasdan niya ito,masaya siya ngayon dahil kahit papaano ay nakakasama niya ito ngayon at buhay pala kahit hindi siya maalala nito.

“Sino gusto mag beer!?.” Bungad sa kanila ni Alexa na may dalang tatlong beer in can.

“Pahingi ng isa Lex bigyan mo rin si Kuya Keiji mo.”

“Wag na mag d-drive pa ako pauwi.”

“Eh di dito ka nalang uli matulog kuya di ka naman ibang tao sa amin at minsan lang naman ako mang lilibre.” Si Alexa na inabot na sa kanila ang beer.

“Okey lang Kei,dito ka nalang uli matulog ngayong gabi para na rin atleast may lalaki dito sa bahay namin ngayong gabi.”

Wala nang nagawa si Keiji kung di tanggapin ang beer na ibinigay ni Alexa,umalis uli ito para kumuha ng pulutan nila.

CHAPTER 7

SARAP NA SARAP si Fabiana sa pulutan nilang tempura na binili ni Alexa.

“Ate dahan-dahan lang baka maubos agad ang pulutan natin may malamig pa na beer sa refregirator natin.

“Eh di bumili uli tayo.”

“Aba plano ata ninyo na mag lasing may problema?” Pagbibiro ni Keiji sa kanila ni Fabiana at Alexa.

“Kuya naman problema agad agad? hindi ba pweding mayasa lang kaya mag lalasing.” Banat naman ni Alexa.

“Tama na tong dalawang can na nainom natin may bukas pa naman,bukas natin inumin ang natira.” Si Fabiana.

“Tama dahil may mga trabaho pa tayo bukas.” Pag sang ayon ng binata kay Fabiana.

“Fine bukas nalang natin uli ipagpatuloy ang drinking session natin.” Si Alexa na sumang ayon nalang din kay Fabiana.

Pagkatapos nilang maubos ang tempura at dalawang can ng beer ay nag ligpit na si Fabiana at Alexa para kompurtabli na maka tulog si Keiji sa sofa,iwan ba niya pero masaya siya na sa kanila uli ito matutulog ngayong gabi.Nung niyakap siya nito kahapon ay nagulat siya kaya nanigas ang buong katawan niya pero na relax siya nung magsalita ito at humingi sa kanya ng pasensya dahil nag alala siya ng husto para sa binata nung nakagat ito ng aso.

Nakaidlip na sana siya ng makaramdam siya ng uhaw kaya lumabas siya ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusena nang mapadaan siya sa sala nila ay wala sa sofa si Keiji naka kunot ang noo niya at nagtataka siya na dumeretso nalang sa kusena kung saan naabutan niya si Keiji na umiinom ng tubig.

“Nandito ka pala,hindi ka maka tulog,may bumabagabang ba sa’yo?” Si Fabiana habnag kumukuha ng malamig na tubig sa refregirator.

“Wala,hindi lang talaga agad ako maka tulog.” Si Keiji na dinala na sa lababo ang baso na ginamit niya at hinugasan niya ito.

“Gusto mo pa uminom ng beer para maka tulog ka?”

“Wag na nakakahiya na sa inyo.”

“Hindi natin gagalawin ang binili ni Alex,bibili ako ng isang malaking bote ng beer,di naman tayo mag lalasing mag papaantok lang.”

“Okey,pero my treat ako ang bibili.”

“Sige,sasamahan na kita sa pagbili.”

“Wag na malapit lang naman dito ang tindahan,hindi naman ako makikidnap,wala namang magkakainteres at mang re-rape sa akin hindi naman ako gwapo.” Pagbibiro ng binata kay Fabiana.

“Wow pa humble pa ang isang to’ nahawa ka na rin ata sa mga kalokohan ng kapatid ko,sasama na ako at may bibilhin ako,bibili ako ng tempura.”

“Joke lang naman.” Si Keiji na nakangisi kay Fabiana.

Nagpasya sina Fabiana na mag lakad nalang sila papunta sa tindahan dahil malapit lang naman ito at may mga streetlights na nadadaanan nila at paminsan minsan ay may nadadaanan silang mga tao.

“Gusto ko tignan uli yung mga pictures,kung okey lang sa’yo tigtignan ko uli yung mga pictures pagdating natin sa inyo.”Si Keiji habang nag lalakad sila papunta sa tindahan.

“Sure,kung gusto mo ipapahiram ko sa’yo ang mga yun.”

“Salamat,bukas na bukas din ay pupunta ako sa photo developing store para maipa copy ko ang mga pictures na yun.na gulat ako na ang dami pala nating pictures na naingatan at naitago ng kapatid mo.”

“Pati nga ako nagulat,pero nagpapasalamt ako ng malaki sa kanya dahil naitago niya ang mga pictures na yun at nasa maayos pa rin na kalagayan kung di dahil sa kapatid ko at siguro hindi pa rin kita hinayaang maging malapit sa amin,nag iingat lang ako subrang na trauma pa rin ako sa nangyari sa akin noon.”

“No worries Fab naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo,masaya at kuntinto na akong nakita kita uli at na buhay ka pala,okey lang sa akin kung di mo ako maalala nakilala mo naman uli ako diba? hindi rin kita pipilitin maalala ang mga ala-ala na nabura sa memorya mo dahil pwede naman gumawa ng panibagong ala-ala masaya akong makakasama mo sa pag rescue.”

Matipid na ngumiti si Fabiana.“Pero alam mo ba kahit nagalanganin ako sa’yo ay magaan ang loob ko sa’yo at nakumbinsi din ako ng kapatid ko,nga pala naku sa subrang busy natin muntik kung makalimutan bukas naka schedule akong puntahan ang na rescue natin na aso.”

“Sasamahan kita baka pwede na siya ma discharge bukas,mahihirapan kayong makahanap ng masasakyan pauwi,bukas ng umaga tatawagan ko si Doc kukumustahin ko kalagayan ng aso bago tayo makakapunta doon.”

“Thank you Kei, O malapit na pala tayo sa tindahan.” Si Fabiana na natatanaw na niya ang bibilhan nila ng beer at tempura.

NANG makapasok na sila sa tindahan ay sinamahan muna ng binata si Fabiana na kumuha ng dalawang pack ng tempura saka sila kumuha ng isang malaking bote ng beer at magbayad sa kahera ay umuwi na sila sa bahay ipinahiram uli ni Fabiana ang dalwang albums,habang tinitignan uli ni Keiji ang mga pictures ay nag luluto naman si Fabiana ng tempura sa kusena.Matapos niyang maluto ang kalahating pack ng tempura ay kumuha siya ng dalawang baso at kinuha na niya sa refrigerator ang nabili nila kanina na beer,naabutan siya ni Keiji na inilalagay na niya sa maliit na bowl ang sawsawan.

“Tutulungan na kita diyan.”Si Keiji na kinuha ang beer at dalawang baso habang dala ni Fabiana ang sawsawan at tempura.

Hindi pa man nakakainom uli si Fabiana ng beer ay kumain na agad siya ng tempura kaya tinagayan na siya ni Keiji ng beer sa baso nito.

“Salamat ha,hindi talaga ako nakukuntinto sa nakain ko kaninang tempura pakiramdam ko kunti lang yung nakain ko kanina.” Si Fabiana.

“Noon paman ay paborito mo rin ang tempura.”

Ngumiti si Fabiana pero bigla din nawala ang ngiti nito.“Ang daya ikaw maraming alam sa akin pero ako kunti lang ang alam ko tungkol sa’yo baka nga pati birth mark ko alam mo.”

Napakamot sa batok ang binata.“Wala akong masyadong maikukwento sa’yo yung tungkol sa Papa ko,sa Pinsan ko na nasa Japan at yung naghahabol sa akin na ex fiancee ko at ang nangyari sa amin naikwento ko na sa’yo,pati yung tungkol sa mama ko,Hindi din pwede na agad agad kitang imbitahan sa bahay ko hindi mo pa ako naalala kaya nag aalangan din ako.”

“Oo nga hindi mo pa kami naimbitahan sa bahay mo,sana one of this days imbitahan mo naman kami ni Alexa, okey na ako panatag na ang loob ko sa’yo.”

“Sige pag naipaayos ko na sa caretaker namin yung bahay,nasa condo palang ako nag stay ngayon hindi pa ako nakakabisita sa bahay namin.” Anang binata na nalungkot ang hitsura nito.

“Kung okey lang sa’yo sasamahan ka namin ni Alexa at Tom kung makapag desisyon ka na na bisitahin na ang bahay ninyo ng Mama mo.” Si Fabiana na hinawakan na ang kamay ni Keiji.

“Salamat Fab,Saka na pag hindi na tayo busy,iimbitahin ko kayo sa bahay namin para mag bakasyon.”

“Wala pa mang date ay na excite na ako.” Si Fabiana na nagliwanag ang mukha.

“Kung okey lang sa’yo iimbitahan ko kayo sa condo ko pero hindi pa sa ngayon full ang schedule ko kaya hindi pa ako nakakapag ayos sa condo ko.”

“Pag okey na schedule natin tutulungan ka namin ni Alexa na mag ayos sa condo mo.”

“Wag na nakakahiya naman sa inyo hindi naman ako nagpapabayad sa tulong ko sa inyo.”

“Hayaan mo na kami na makabawi sa’yo kahit sa munti naming paraan sige na wag mo sana tanggihan ang inaalok kung tulong sa’yo.”

“Okey hindi ko tatanggihan ang tulong ninyo para hindi ka mag tampo sa akin.” Si Keiji na naka ngiti na umiiling.

Nang maka ramdam na sila ng antok ay malapit na mag hating gabi ay nag pasya na sila matulog,tinulungan siya ni Keiji na mag ligpit ng pinagkainan nila at mga baso sa kusena.

NAKA ngiting pinag mamasdan ni Fabiana si Bunchon na na rescue ni Fabiana at ang na rescue nila ni Fabiana at Keiji na pinangalanan nilang si Fajie ang mga aso habang ipinasyal nila ni Keiji ang dalawa sa park malapit sa bahay nina Fabiana nang hapon na yun.Apat na buwan na rin ang nakakaraan mula ng ma rescue nila ang dalawang aso naging malusog na ito at naging malapit sa isat isa,nang araw na na discharge si Fajie sa vet clinic na pinagdalhan nila sa aso ay napag pasyahan ng binata na siya nalang ang mag ampon sa aso na ikinatuwa ni Fabiana,ikinagulat niya at ikinakilig pero di niya ipinahalata ng pangalanan ng binata na Fajie ang aso galing sa pangalan nilang dalawa.

“Masaya ka?” Si Keiji na naka tingin na pala sa kanya.

“Oo naman,sa lahat naman ng pagkakataon na kasama ko silang mga na rescue natin ang kapatid at anak ko at ikaw masaya ako,lagi akong masaya pag kasama ko kayo.”

“Siya nga pala bukas dayoff nating tatlo diba? gusto ko sana kayong imbitahan sa condo ko pagkatapos nating bisitahin ang puntod ng mga magulang ninyo at puntod ng mama ko.”

“Game ako diyan si Alexa sigurado akong makakasama sa atin yun bukas dahil nasabihan ko na na bibisita tayo sa puntod ng mga magulang namin at sa puntod ng Mama mo.”

“Ako na rin ang bahala sa dadalhin nating bulaklak sa puntod ng Mama mo.” Pag boboluntaryo ni Fabiana,e hahanda na niya mamayang gabi ang mga bulaklak na daldalhin nila sa puntod ng mga magulang nila at sa puntod ng Mama ni Keiji,naihanda na niya ang basket na paglalagyan niya sa mga bulaklak sa shop.Tatlong linggo na rin ang nakaraan simula nang mag bukas ang bago niyang coffee at flower shop.

“Salamat Fab,wait i have an idea tutulungan ko kayo mag arrange ng mga bulaklak na dadalhin natin bukas.”

“Sigurado ka? eh sa sofa kana naman namin matutulog kung ganoon.”

“Okey lang,medyo napagod ako sa activities namin kanina sa clinic kaya makikian at makiki tulog na naman sana ako sa bahay ninyo kung okey lang.” Anang binata na napa hawak sa batok.

“Oo naman okey lang isang buwan kana ring hindi naka bisita sa bahay parepareho tayong busy namimiss na rin kitang ka kwentohan ng matagal sa bahay namin.”

“Sa totoo lang na miss ko din ang kwentohan natin kaya nga kahit pagod ako ay sumaglit pa rin ako sa inyo para makakwentohan at para na rin maipasyal sina Bonchon at Fajie.”

“Salamat at kahit subrang busy kana ngayon sa clinic mo ay naisisingit mo pa rin kami sa schedule mo.”

“Mahalaga kayo sa akin,at syempre dahil namimiss ko kayo lalo na ikaw si tom,si Alexa at ang mga aso,sina Bunchon at Fajie.”

“Alam ko yun Kei,nararamdaman ko yun at nagpapasalamat ako ng subra dahil mahalaga kami sa’yo,mahalaga ka rin sa amin.” Si Fabiana na subrang saya sa mga sandaling iyon.

Kinagabihan ay masayang nag bonding sina Fabiana at Keiji nagkukwentohan habang nag lalagay ng mga bulaklak sa baskets at inaayos ang mga ito pagkatapos nilang kumain ng kanilang haponan ang kapatid naman niya ay maagang naka tulog dahil pagod ito sa trabaho.

“Oh bakit bigla kang natahimik diyan.” Si Fabiana na napansin na natigilan si Keiji at naka titig lang sa mga bulaklak na inilagay nito sa basket.

“Wala naalala ko lang si Mama,dont worry iam fine naalala ko lang talaga siya,hindi na ako nasasaktan na maalala si Mama mas nanaig sa pakiramdam ko ang excitement na bibisitahin natin siya bukas.”

Parang natunaw ang puso ni Fabiana sa sinabi nito at sa nakita niyang kapanatagan ng loob nito na nararamdaman niya at nakikita niya sa mga mata nito kaya hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na yakapin ito,hindi nagsalita ang binata at gumanti ito ng yakap sa kanya,minsan kuntinto na siyang kasama ito kahit hindi sila nag uusap,ilang araw na rin niyang iniisip kung ano ang meron sila ni Keiji pero alam niya sa kanyang sarili na mahal na niya ang binata.

CHAPTER 8  

SAGLIT lang na nanatili sa puntod ng mama ni Keiji ang kapatid ni Fabiana dahil tinawagan ito ng kaibigan nito na magpapasama na mamili sa mall kaya silang dalawa nalang ni Keiji ang naiwan sa puntod ng Mama ni Keiji tahimik at pinakiramdaman ang isat isa habang naka upo sila sa tapat ng puntod ng Mama ni Keiji,Fabiana’s head resting in his shoulder, pero hindi rin nakatiis si Keiji.

“Alam mo bukod kay Mama ang pinakaimportanting babae sa buhay ko ay ikaw at bukod kay Mama ay ikaw ang nag inspire sa akin at nagbigay ng dahilan para mabuhay at magkaroon muli ng pag-asa at nagkaroon ng makabuluhang pananaw sa buhay,i prayed na kahit yung araw man lang na yun ang bumalik sa ala-ala mo noong araw na ipinakita mo sa akin na may maraming rason para mabuhay,kahit yung araw nalang na yun kapalit ng mga masasakit na ala-ala dahil sa’yo ako humuhugot ng lakas triple ang sakit ng mararamdaman ko kung masasaktan ka.”

“K-kei anong ibig mong sabihin?” Si Fabiana na tumingala na sa kanya.

“I know this is not a proper place and time pero kung mag hihintay ako baka pag sisihan ko pa kung hindi ko sasabihin sa’yo ngayon to at baka wala ng ibang tamang pagkakataon para sa akin kundi ngayon at gusto ko rin na kahit sa ganitong paraan man lang maging saksi at parte si Mama sa sasabihin ko sa’yo ngayon…Mahal kita Fab mahal na mahal kita noon pa man,hayaan mo sana akong samahan ka na gumawa ng panibago mas masaya at mas makabuluhang ala-ala at maging parti ng buhay mo.”

Umigham muna ang dalaga bago ito sumagot sa kanya .“Sa totoo lang Kei may nararamdaman din ako para sa’yo pero may amnesia ako at paano ang anak ko,baka mag sisi tayo sa magiging desisyon natin kung maging tayo.”

“Mahal ko ang anak mo Fab.” Si Keiji na naisip ang posibilidad na anak niya si Tom pero hindi niya ito sinabi sa dalaga dahil ayaw niyang guluhin ang isip nito at baka lumayo pa ito sa kanya ang priority niya ay maging parti ng buhay ng mag ina saka niya tuluyang aalamin kung siya nga ba ang ama ni Tom at sasabihin kay Fabiana.

“At kung maalala mo man ang lahat sa nakaraan at gusto mong makapaghiwalay sa akin magpapaubaya ako hahayaan kitang aalis ng walang pagsisisihan.” Dagdag pa ni Keiji.

Muling sumandal si Fabiana sa balikat ni Keiji.“Mahal na mahal din kita Kei.” Si Fabiana na yumakap na sa kaliwa niyang braso habang naka sandal pa rin ang ulo nito sa balikat niya.

“So Tayo na ba?” Si Keiji na kinakabahan na.

Yumuko si Fabiana para siguro itago ang pag blush nito pero nakita pa rin ni Keiji ang pag blush ng dalaga,tumango ito saka nag salita..“Yes.” Si Fabiana na humigpit ang pagkakayakap sa braso niya.

Hinalikan niya si Fabiana sa ulo nito,naamoy niya ang pamilyar at mabango nitong shampoo.“I won’t promise the stars,heaven and riches to you but i am very sure of myself of my love and loyalty tp you,wala akong naka relasyon sa mga nagdaang taon may mga nakilala akong babae doon sa Japan some did flirt with me pero i turn them down dahil ikaw ang nag mamay-ari ng puso ko,hindi na rin naman ako masyado nakikipag salamuha sa mga tao dahil inabala ko ang sarili ko sa trabaho dahil subra akong nalungkot sa pagkawala mo pero hindi ko nakalimutan ang sinabi mo sa akin noon na marami pa ring ipagpasalamat na nabuhay tayo sa mundong ito at ang dedication mo sa mga animals kaya ginusto kung bumalik dito sa Pilipinas in honor of my mother and you,kaya nga noong matapos ang pag renovate sa clinic ni mama at maayos ang mga papelis na kailangan ko para sa legal aspect ng clinic ko ay naging busy na ako sa mga charity events para sa mga strays at less fortunate pet owners hindi ko inaasahan na makikita kita muli at naging subra ang kaligayahan ko sa araw na yun at na realize ko life is so short that we most grab every chance and savour every time we have with our love ones dahil hindi natin alam isang araw mawawala din sila sa atin.”

“Ako naman naging abala sa pag aalaga sa anak ko at pag hihilum ng sugat ng puso ko hindi ako masyado nakikipag close sa mga tao dahil natutrauma pa rin ako at natatakot,ikaw lang ang naging malapit sa akin sa amin ng kapatid at anak ko,marahil nakalimutan ka man ng isip ko pero hindi ang puso ko.Alam mo Kei ang saya saya ko ngayon na hindi ko ma explain ang nararamdaman ko.”

“Okey lang sa akin na mawala ang ala-ala mo para hindi mo na maalala ang hindi magandang pangyayari sa buhay mo kasama ang mga ala-ala natin noon wag kalang masaktan,nakita naman uli kita,masayang masaya din ako ngayon Fab lagi naman akong masaya kapag kasama kita.”

“Salamat Kei,kahit ganito ang kalagayan ko na narape at nagka anak at nawalan ng memorya ay minahal mo pa rin ako mahal na mahal na mahal na mahal din kita.” Si Fabiana na nakangiting naka titig kay Keiji.

“Hindi mo naman ginusto ang mga masamang pangyayari na iyon sa buhay mo.”Si Keiji na hawak ng dalawa niyang kamay ang magkabilang pisngi ni Fabiana.

Nag tagal ng dalawang oras sa puntod ng Mama ni Keiji sina Keiji at Fabiana,nag pasya na sana silang umalis na at pumunta sa condo ni Keiji ng makarinig sila ng iyak ng isang tuta,hinanap nila ni Keiji ang pinanggagalingan ng iyak at pagkaraan ng ilang segundo ay nakita ni Keiji ang tuta,naka upo ito sa may talahiban,kalunos lunos ang hitsura nito butot balat nalang ito maputik at may galis sa buong katawan,maingat itong nilapitan ni Keiji,pinakuha niya kay Fabiana ang isang leash na gaya ng emergency medicine kit niya ay lagi niya itong dala dala sa kotse niya.

Binantayan ni Keiji ang tuta hanggang sa bumalik si Fabiana at iniabot nito sa kanya ang tali yun ang ginamit niya para mahipo ang noo ng tuta para hindi siya makagat dahan dahan siyang lumapit pa sa tuta at maingat na hinihipo gamit ang leash ang noo at mukha nito ng masanay na ang tuta ay hinipo na niya ang ulo nito gamit ang kamay niya hanggang sa nahihipo na niya ang buong katawan nito at ng umiiling iling na ang buntot nito ay dahan-dahan niya itong kinarga at sa kanilang pagkagulat ay nalaman nila na may sadyang pumutol sa kanang binti nito nakita niyang hindi na napigilan ni Fabiana na umiyak dinala nila agad ito sa clinic niya at sinuri ang kalagayan ng tuta.Natuklasan ni Keiji na infected na ang sugat nito at dahil mahina pa ang katawan nito dahil sa severe malnutrition ay hindi pa niya ito pwedeng operahan tinurukan muna niya ito ng gamot laban sa infection sa tulong ng assistant at staff niya sa clinic ay papalakasin muna nila ang tuta bago ooperahan.

“Malakas ang will power niya to survive iam happy and amaze na sa kalunos-lunos na sitwasyon niya ay buhay pa rin siya noong na rescue natin and it is not too late for her.” Si Keiji,nasa clinic sila sa araw na yun kasama si Fabiana naka bantay sa tuta ika tatlong araw na ng tuta sa clinic ni Keiji pumunta sila doon para kunin ang tuta iuuwi ito ni Keiji sa condo niya dahil sabado sa araw na yun at nag aalala si Keiji at Fabiana para sa tuta.

“Kumusta na siya Kei may improvement kaya sa kalagayan niya?” si Fabiana na nag aalala.

“Bumubuti naman ang kalagayan niya even though she lost one of her leg she never lost hope,she is a fighter like you my Fabie wag kang mag alala.”

Naiiyak pa rin ang dalaga sa tuwing naalala nito ang kalagayan ng tuta nung ma rescue nila ito kaya niyakap niya ito at sa mga bisig niya ay humagulgol na ito.

“Salamat sa pag sagip mo sa kanya Kei.”

“shhh tahan na hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak.” Pag aalo ni Keiji kay Fabiana.

Pagdating ni Keiji sa kanyang condo kasama ang tuta at si Fabiana pagkatapos inilagay ni Keiji ang tuta sa may kalakihang cage na nakalagay malapit sa kwarto niya ay nag presinta si Fabuana na imasahe ang mga kamay niya umangal sana siya dahil nahihiya siya sa dalaga ay wala na siyang nagawa ng kunin nito ang kamay niya at minasahe nito at hindi nag tagal ay nag relax na si Keiji masarap sa pakiramdam na minamasahe lalo na at ang babaing mahal niya ang gumagawa nito he is savouring and enjoying the moment.Minasahe din ng girlfriend niya ang balikat at ulo niya with white flower na binili nito kanina bago sila pumunta ng sementeryo.

“Thank you my love my Fabie.” Paglalambing ni Keiji kay Fabiana simula nang maging girlfriend niya si Fabiana ay My Fabie na ang tawag niya kay Fabiana,agad itong yumuko para itago ang pamumula ng pisngi nito,ngumiti si Keiji.“Kailangan masanay kana sa paglalambing ko dahil girlfriend na kita.

“Iam trying.” Si Fabiana na humarap na kay Keiji with a brave smile.

Pagkatapos nilang mag usap ay pumunta na sila sa kusena para mag handa ng kanilang tanghalian nag presenta si Fabiana na tutulungan siya nito tatanggihan sana niya ang girlfriend niya dahil gusto niya na pagsilbihan ito sa araw na yun pero hindi nag paawat ang dalaga at nag pumilit na tumulong sa kanya.Si Fabiana ang nag hiwa ng sibuyas,kamatis at bawang habang si Keiji ay hinihiwa ang isang kilong karne ng baboy.

Nang mag gisa na si Keiji ng mga pampalasa at karne ng baboy ay hinihiwa na ni Fabiana ang cabbage at kalagati ng kalabasa,pakiramdam ni Keiji sa ginagawa nila ay parang mag asawa na silang dalawa ni Fabiana.

“Gusto ko ng ganito,sana maulit to na nagluluto tayong dalawa ng kakainin natin.” Si Keiji na bumaling sa girlfriend niya habang hinahalo ang karne at pampalasa.

Liningon siya ni Fabiana at ngumiti ng matamis sa kanya. “Why not pwede natin tong gawin dito sa condo natin o sa bahay namin,nga pala masaya ako at sa wakas naka punta na rin ako dito sa condo mo.” si Fabiana na tinatapos na ang hinihiwa niyang kalabasa.“Pagakatapos nating kumain mamaya gusto ko mag linis dito sa condo mo.”

“Wag na first mo pa nga lang dito sa condo ko nakakahiya namang paglilinisin kita,hindi pa ako naka hanap ng mag lilinis ng condo ko ayoko naman na kung sino sino nalang at basta basta nalang ako kukuha ng mag lilinis dito.” Si Keiji.

Tumulis ang nguso ng dalaga at sumimangot.“Hayaan mo na ako mag linis dito ang dami mo nang naitulong sa amin hayaan mo naman akong tumulong sa’yo at makabawi kahit papaano sa mga naitulong mo sa akin,mula ngayon ako na ang taga linis ng condo mo kung kukuha ka ng iba baka pag nakawan ka o di naman kaya ay mananamantala ng kabaitan mo ako nalang mag lilinis ng condo mo para makatipid ka rin sa gastosin,wala ng pero pero.”

Nag kibit balikat nalang si Keiji,pagkatapos nga nilang kumain ay nag simula itong mag walis sa kusena gusto pa sana nito na hugasan muna ang pinagkainan nila bago ito mag walis pero hindi na niya ito hinayaan,siya na ang nag ligpit sa pinagkainan nila,nag linis ng mesa saka hinugasan ang pinagkainan nila.

 

CHAPTER 9  

NAPA ngisi si Fabiana nang wala ng magawa si Keiji ng nag simula na siyang mag walis sa kusena pagkatapos niyang maipon ang dumi na nawalis niya ay ginamit niya ang dustpan para ilagay ang mga ito sa basurahan saka siya tumuloy sa pag walis sa sala.Hindi naman makalat sa condo ng nobyo niya pero halatang ilang araw na itong hindi nalilinis.Pagkatapos niyang mag walis ay kumuha ang dalaga ng basahan at pinunasan niya ang center table couch at tv sa sala ng binata nag eenjoy siya sa ginagawa niya at masaya siya madali lang siyang natapos sa pagpupunas sa sala si Fabiana dahil kunti lang naman ang kasangkapan na meron ang binata maliit na flat screen tv,center table at couch lang ang meron sa sala nito tapos na siya sa pag pupunas at dadalhin na sana niya ang basahan sa kusina para labhan ito ng nahagip ang kanyang paningin,isang litrato na naka frame at naka sabit sa dingding sa sala ng binata lumapit siya sa picture para mabistahan niya ito ng mabuti at ng makita niya ng mabuti ang lumang litrato ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig saglit siyang natigilan may mallit na naka sulat sa ibabang bahagi ng llumang litrato na iyon.

“Keiji Harada 1985” Bulong ni Fabiana,wala sa sariling kinuha niya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa at kinuha ang picture ng kanyang nag iisang anak ipinagkumpara ni Fabiana ang baby picture ni Keiji at ang picture ng anak niya at nanlamig siya ng makomperma nga ang hinala ni Fabiana na si Keiji noong bata pa ito at ang anak niya ay magkamukhang magkamukha ang dalawa napahilut siya sa batok niya dahil bigla itong sumakit dali-dali niyang ibinalik sa wallet niya ang picture ng kanyang anak,her heart is pounding very fast hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa natuklasan at hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya tungkol sa natuklasan niya.

“Baka nagkataon lang na kamukha ng anak ko si Keiji.’’ Sa isip ni Fabiana, minabuti nalang niyang tumuloy na sa kusina.

“O tama na yang ginagawa mo My Fabie hindi kita pinapunta dito para maging alila,you are my girlfriend not my maid,mag hugas ka uli ng kamay ha nag handa ako ng halo-halo para sa ating dalawa.” Si Keiji na inilagay na sa mesa ang dalawang glass ng halo-halo nilagyan ito ni Keiji nang apat na scoop ng ice cream.

humugot ng hininga si Fabiana para mapa kalma ang sarili saka sumagot.“Ano kaba wala yun no nag eenjoy naman ako sa ginagawa ko at hindi naman ako napagod ano ba naman yung mag walis at mag punas dito sa condo mo hindi naman ako napagod.” Si Fabiana na matamis na ngumiti kay Keiji saka humarap sa lababo at nilabhan muna ang basahan baso siya nag hugas ng mga kamay,pinilit niyang umakto ng natural para hindi mag alala o makahalata ang nobyo niya na may bumabagabag sa kanya.Pagkatapos nila kumain ng halo-halo ay nagpasya si Fabiana na umuwi na agad namang nag volunteer si Keiji na ihahatid siya sa bahay nito pinabihis na niya ang nobyo niya habang siya ay nag presinta na siya na ang mag huhugas ng mga baso at kutsara na nagamit nila.

Ng pumunta na sa kwarto nito si Keiji para mag bihis ay agad na itinabi ni Fabiana ang kutsara na ginamit nito sa pagkain nila ng halo-halo hindi niya ito hinugasan at isinilid niya sa isang ziplock na nakita niya sa ibabaw ng lalagyan nito ng mga kubyertos at dali dali siyang pumunta sa sofa kung saan niya inilagay ang kanyang handbag at doon niya inilagay ang kutsarang ginamit ni Keiji kanina gagamitin niya iton para ipa DNA test.

MASUYONG pinagmasdan ni  Fabiana ang kanyang Anak habang natutulog na ito ng marinig niya ang mahinang katok sa pintuan kasunod ng pag pasok ng kanyang kapatid sa kanyang silid.

“Ate tumawag pala kanina si Nana nangungumusta sa atin kailan daw tayo babalik doon,nabangit niya sa akin na naipadala na niya ang mga papelis at documento na mag uupdate sa atin sa kita ng apartment natin sa New York na check ko na rin ang bank account natin mas lumaki ang kita natin this month.” Bungad sa kanya ni Alexa na ang tinutukoy nito ay manager ng apartment nila sa New York,isa ito sa natulungan at pinag-aral noon ng Lola nila.

“Saka na pag naging stable na talaga ang pag tira natin dito at bago palang ang shop natin.”

“Nakakabuti sa atin ang pag tira natin dito sa Cebu lalo na sa’yo ate maganda ang aura mo simula noong nakita uli natin si Kuya Keiji may nakikita akong sparks sa inyong mga mata.”

Kumunot ang noo ni Fabiana.“Anong sparks ang pinagsasabi mo diyan,anong akala mo sa amin kuryenti.”

Napabungisngis si Alexa sa sinabi ni Fabiana.Natahimik si Fabiana nababagabag pa rin siya sa natuklasan niya kaninang tanghali na maaring si Keiji ang Ama ng Anak niya napagpasyahan niyang bukas ay pupunta siya sa hospital para ipa DNA test sina Keiji at ang Anak niya kanina habang matutulog palang ang anak niya ay kinuha niya ang mga buhok mula sa brush nito at isinilid sa plastic at inilagay sa hand bag niya kasama ang kutsara ni Keiji na nakuha niya kanina.

“Ate may bumabagabag ba sa’yo?” Si Alexa na nahahalata na ang medyo pagka balisa niya.

Tumingin si Fabiana sa kapatid niya at iniisip kung sasabihin ba niya dito ang natuklasan at hindi rin naman siya naka tiis at sinabi na niya kay Alexa ang natuklasan niya.

“S-sis may posibilidad na si Keiji ang Ama ni Tom.” Si Fabiana.At dahil sa narinig ay kita ni Fabiana na subrang nagulat ang kapatid na laglag pa ang panga nito.

“OMG! are you serious Ate,paano nangyari yun,did you confront him?”

“May nakita akong baby picture niya doon sa condo noong baby pa siya kamukhang kamukha niya si Tom,wala akong sinabi sa kanya,plano kung ipa DNA test silang dala ng anak ko bukas may nakuha akong kutsara na ginamit kanina ni Keiji,kung siya nga ang tunay na Ama ni Tom hindi ko alam ang gagawin ko.”

“Sasamahan kita bukas sa hospital ate,it will be okey kung si Kuya Keiji ang Ama then so be it kaysa si Xin na iniisip natin na ang Ama niya.” Pag-aalo ni Alexa kay Fabiana.

“Hindi ko alam paano si haharapin kung siya nga ang Ama ni Tom.” Si Fabiana na naguguluhan pa rin.

“Ate wag muna natin problemahin yan ipahinga mo sarili m para bukas sasamahan kiya sa hospital.”

“Mabuti pa nga sige goodnight na i felt very tired,pakiramdam ko mahaba ang araw ngayon.”

“Goodnight Ate wag ka masyadong mag alala okey.” Anang kapatid niya na yumakap ng mahigpit sa kanya bago lumabas ng kwarto niya.

Nang gabing iyon kahit pagod na pagod si Fabiana ay hindi siya naka tulog iniisip kung paano kung si Keiji nga ang Ama ni Tom at paanong nangyari kung ang binata nga ang ama ng anak niya.

MASAKIT ang batok ni Fabiana ng araw na yun pero hindi iyon naka pigil sa kanya para pumunta ng hospital kasama si Alexa para ipa DNA test ang samples na nakuha niya mula kay Keiji at ng Anak niya sa susunod na araw pa nila makukuha ang resulta pero nanatili pa rin sila sa hospital,nag pumilit si Alexa na magpa check up siya nahalata kasi ng kapatid niya na iniinda niya ang sakit ng ulo niya,pinagpawisan na siya ng malamig at namumutla ayun sa doctor na sumuri sa kanya ay dahil sa stress kaya sumakit ang batok niya kaya aspirin ang inireseta sa kanya ng Doctor pinayuhan pa siya ng Doctor na kung naging madalas na ang pananakit ng batok niya o ulo na ang sasakit sa kanya ay bumalik agad sa hospital nang matapos na siyang ma examine ng Doctor ay napagkasunduan ng Kapatid niya at ng Doctor na sumuri sa kanya na iconfine muna siya kahit isa o dalawang araw para makapagpahinga dahil nag alala ang mga ito lalo na at may amnesai siya.

Na sermonan siya ng Kapatid niya na wag muna masyado mag isip ng mga problema at magpahinga bago siya nito iniwan sa private room na inukupahan niyang kwarto sa hospital bago ito mag duty doon din mismo sa hospital kung saan siya naka confine.

Naka higa at matutulog sana uli si Fabiana dahil bahagyang sumasakit pa rin ang ulo niya nang tumunog ang cellphone niya,nakita niyang si Keiji ang tumawag,nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag ng nobyo niya pero sa huli ay hindi rin niya ito natiis at sinagut ang tawag nito.

“Hello Kei?” Si Fabiana na pilit pinapasigla ang tinig.

“Where are you? dumaan ako sa bahay ninyo sabi ni Yaya umalis daw kayo ni Alexa.Are you alright? I know pilit mo lang pinapasigla ang tinig mo,kilalang kilala kita Fab.” Si Keiji sa kabilang linya ng telepono na nahihimigan ng pag aalala para sa kanya ang boses nito.

“Sumakit kasi ang batok ko kaya dinala ako ni Alexa dito sa hospital kung saan siya nag tatrabaho.”

“Napagod ka siguro sa kakalinis kahapon sa condo ko,sabi ko naman sa’yo kahapon diba na wag kanalang mag linis sa condo ko nagkasakit kapa tuloy.”

Fabiana rolled her eyes.“Ano ka ba hindi naman yun ang dahilan kung bakit sumakit ang ulo ko hindi naman ako napagod kahapon nag walis lang naman ako at nag punas sa sala mo,baka may kinalaman ito sa pagkakaroon ko ng amnesia.”Pag sisinungaling ni Fabiana kay Keiji.

“Papunta na ako diyan my surprise ako sa’yo, puputulin ko na ang tawag kung to see you soon.” Anang binata bago nito pinutol ang tawag sa kanya,sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung paano niya kokompruntahin si Keiji kung ma confirm na si Keiji nga ang ama ng Anak niya,pero napag pasyahan niyang hahayaan muna niya si Keiji,soon enough malalaman din niya ang totoo and she is hopeful na hindi iyon makakaapekto sa relasyon nila mahal na mahal niya si Keiji.

Iidlip na sana si Fabaina ng makarinig siya ng mahinang katok sa pintuan kasunod niyon ay inuluwa ng pintuan si Keiji.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Si Keiji na inilapag sa maliit na mesa katabi ng kama na hinihigaan niya ang dala nitong isang basket ng apple,oranges at roses bago lumapit sa kanya at hinipo ang noo niya at pinakiramdaman siya nito halatang nag alala ito ng husto sa kanya.

“Okey na ako,hindi naman ako nilalagnat sumakit lang ang ulo ko kanina pero unti unti ng nawawala,umiipikto na sa akin ang gamot na ibinigay sa akin kanina ng isang nurse.”

“Si Alex nasaan?”

“She is on duty na,nandito siya sa hospital ngayon nag tatrabaho.” Si Fabiana na pinakiramdaman si Keiji,ramdam niya na mabait naman ang binata marami na ring pagkakataon na natulungan siya nito lalo na sa pag rescue at ni minsan ay hindi niya ito nakikitang nag dadabog o nag rereklamo kahit pa hirap na hirap na ito ang malaking tanong niya sa kanyang isip kung ano ang nangyari sa kanila noon,napa buntong hininga siya.

“May bumabagabag sa’yo,may problema ba?”Anang nobyo niya na nakikita niyang nag alala na naman ito sa kanya.

“No iam fine okey lang ako nababagot lang siguro ako dito sa hospital.” Pag aassure ni Fabiana sa nobyo niya,totoong nababagot na talaga siya sa hospital at nakakaramdam din siya ng kunting pagka ilang kay Keiji.

“Dont worry gagawa ako ng paraan para hindi ka mabagot dito sa kwarto,iiwan muna kita dito ha may kukunin lang ako babalik agad ako.” Si Keiji na yumakap sa kanya at humalik sa noo niya saka ito nagmamadaling lumabas sa kwarto niya.

Naiwan siya nitong sapo ang dibdib niya dahil iyon sa ginawang sweet gesture ng nobyo niya hindi pa rin siya kasi nasanay sa mga paglalambing nito sa kanya.

ISANG oras din nag hintay si Fabiana kay Keiji,nagulat siya nang may dala itong isang malaking box na may nakalagay na ribbon at may maliliit na butas inilapag ito ni Keiji malapit sa kanya.

“Ano to?.” Si Fabiana na tinitignan ang malaking box.

Nginitian siya ng binata at lumapit ito sa kanya.“Wag mo munang buksan ang kahon.”

Kasunod ng binata ay ang mga delivery boy na may dalang mga rosas sa dami ng rosas na na deliver ay nag mistulang flowershop ang kwarto niya ng naideliver na ang last bouquet ng roses ay binigyan ng tip at pinaalis muna ng binata ang nag deliver ng mga bulaklak saka pinabuksan sa kanya ang box,kinakabahan na excited na binuksan ni Fabiana ang malaking kahon at laking gulat niya na nang lumabas at nag siliparan ang maraming paru-paru sa loob ng kwarto ni Fabiana ang ilan ay dumapo sa mga rosas,hindi maipaliwanag ang saya at kilig na nararamdaman ni Fabiana sa mga oras na iyon pero hindi pa rin completo ang kaligayahan niya dahil sa mga bagay na hindi pa rin klaro sa kanya ang ala-alang nawala sa kanya at ang posibilidad na si Keiji ang Ama ng anak niya.

“Kei,may nangyari ba sa atin noon na hindi mo sinasabi sa akin? were we more than friends noon?” Si Fabiana na hindi na nakatiis si Keiji naman ay natigilan sa naging tanong niya.

“Fab? may mga naalala kana?” Tanong sa kanya ng binata na humawak na sa kamay niya nakikita niya sa mga mata at mukha nito na nag aalala ito.

“Wala wala pa naman akong naaalala pero-”

“Natatakot ako Fab at nag aalala,wala naman akong ginawang masama sa’yo noon pero ayoko mag salita kung ano man ang meron tayo noon dahil baka maguluhan ka at lumayo sa akin…Fab-hihilingin ko sana sa’yo na ienjoy nalang natin ang kung ano ang meron tayo ngayon,balang araw masasagot rin ang mga tanong sa isip mo maalala mo na rin ang mga memories na nakalimutan mo please.”

“Ramdam ko naman na mabuti kang tao at na mahal na mahal mo ako at mahal na mahal na mahal kita-” Nag buntong hininga si Fabiana.“Kaya pag bibigyan kita eenjoy natin ang kung ano meron tayo ngayon.” Si Fabiana na yumakap na ng mahigpit kay Keiji,pagkatapos noon ay tumahimik na silang dalawa at masayang pinagmamasdan ang mga paru-paru na nagiliparan at dumadapo s mga bulaklak sa kwarto ni Fabiana sa hospital na kalaunan ay pinakawalan din nila ang mga ito ilang minuto din nilang na enjoy ang mga butterflies bago binuksan ni Keiji ang bintana ng hospital para mapakawalan ang mga paru-paru.

“Saan mo nakuha ang mga paru-paru? ang dami nila.” Si Fabiana habang iisang lumalabas sa kwarto niya mula sa bintana ang mg aparu-paru.”

“Susunduin sana kita kanina para dalhin sa isang butterfly garden na nadiskubre ko nung malapit na ako bumalik sa Japan para makasama ang ama ko,ilang ulit na akong nag pa balik-balik doon at naging kaibigan ko na rin ang may-ari ng garden kaya napakiusapan ko siya na kung pwede ay dadalhin ko ang ilan sa mga butterflies dito sa hospital dahil nagka sakit ka,pumayag naman sila lalo na at alam naman niyang pakakawalan naman natin ang mga butterflies.” Si Keiji na yakap yakap pa rin niya or rather yakap yakap pa rin nila ang isat isa.Magdamag siyang sinamahan ni Keiji pinauwi nila si Alexa dahil may trabaho ito nag volunteer ang binata na samahan siya sa hospital.

KINABUKASAN ay na kumbinsi ni Fabiana si Keiji na umuwi muna para makapagpahinga nag aalala din siya dito na baka ito naman ang magkakasakit at gusto na rin niyang makuha ang DNA result nina Keiji at ng Anak niya ayaw pa niyang malaman ni Keiji na may hinala siya na posibling ang binata ang ama ng anak niya,maayos na ang pakiramdam kahapon pa ng gabi hindi pumapalya si Keiji na pasayahin siya.

Nang maka alis na si Keiji sa hospital ay sinamahan siya ng Kapatid niya sa pag kuha ng DNA result kinuha nila ito bago sila umuwi ng bahay.

“Lex ikaw na ang tumingin sa DNA result nina Keiji kinakabahan ako.” Si Fabiana ng nasa bahay na sila,iniabot niya ang isang brown envelope laman ang DNA result nila Keiji at ng Anak niya.

Kinuha iyon ng Kapatid niya at binasa,nakita ni Fabiana na napa lunok ang kapatid niya at gulat sa nabasa nito.

“Alex,sabihin mo ano ang result ng DNA test nila.” Si Fabiana na lalong kinakabahan.“A-ate positive,nakasaad dito sa result na-na si Kuya Keiji nga ang Ama ni Tom.” Si Alexa na iniabot kay Fabiana ang papelis.

Binasa iyon ni Fabiana at yun nga ang nabasa ni Fabiana its positive si Keiji ang Ama ng Anak niya,napa upo si Fabiana sa sofa nila nanghihina ang mga tuhod niya,ngayon hindi niya alam kung paano haharapin ang nobyo niya sa nalaman.

“Gusto ko muna lumayo dito,pupunta ako sa Davao pero Lex wag mo sabihin kay Keiji kung saan kami nag punta ng anak ko.” Si Fabiana na tumayo at pumunta sa kwarto nilang mag Ina,naabotan niya na natutulog ang Anak niya habang nag aayos ng mga gamit nila ang yaya nito.

“Ate wag ka namang padalos dalos sa desisyon mo.” Si Alexa na sumunod sa kanya sa kanyang kwarto.

“Manang tulungan mo po akong mag impaki ng gamit namin ni baby mga ilang peraso lang ng damit namin.” Si Fabiana na kinuha sa ilalim ng higaan nila ang isang malaking trolley bag.

“Kailangan kung muna magpakalayo-layo at makapag isip.” Si Fabiana na nag lalagay na nang mga damit sa loob ng bag.“Yaya samahan mo po muna dito si Alexa habang wala kami dito ng Anak ko.”

“Okey iha sasamahan ko dito ang Kapatid mo wag kang mag alala.” Anang matandang Yaya ng Anak niya.

Marahil ay alam ng Kapatid niya na hindi siya nito mapipigilan ay pumayag nalang ito na umalis siya.

“Ate mag ingat kayo doon at sana bumalik kayo agad.” Si Alexa na nalulungkot sa pag alis nila.

SAKAY ng isang taxi inihatid sila ni Alexa sa mactan international airport papuntang Davao.

“Ate mag ingat kayo doon ha,tumawag sa sa akin pag nakarating na kayo doon,mamimiss ko kaya bumalik kayo agad.” Si Alexa saka yumakap kay Fabiana bago ito papasok sa waiting area kasama ang Anak nito.

“Oo babalik kami kaagad kaylangan ko lang talagang magpakalayo-layo muna at makapag-isip.” Si Fabiana na gumanti din ng yakap sa kapatid niya.

MAKALIPAS ng forty five munites ay lumapag sa davao airport ang eroplano na sinasakyan nila ni Fabiana,sila ang pinaka huling pasahero na lumabas.

“Anak sana tama ang naging pasya ko na lumayo muna sa Ama mo para makapag isip ako.”

Si Fabiana na kinakausap ang kanyang anak na nakatulog sa kanyang balikat,nasa labas na sila ng airport at nag hihintay ng masasakyang taxi papunta sa bahay nang Lola niya sa side ng papa niya ang babaing pinsan nito ang naging caretaker sa ancestral house nila may naramdaman siyang kunting excitement sa pagbabalik niya sa Davao plano niyang mag stay sa davao kahit isa o dalawang linggo man lang ayaw din naman niyang tiisin ng masyadong matagal ang nobyo niya.

Pagdating nila ni Fabiana sa ancestral house nila ay paalis na sana ang Pinsan ng Papa niya nagulat ito ng makita sila.

“Oi Fab pasok kayo,bat di ka nagpasabi na darating pala kayo ngayon para nakapag handa kami mabuti nalang at naabutan mo ako.” Anang pinsan ng Ama niya anak ito ng kambal na kapatid na babae ng papa niya na sumakabilang buhay na dalawang taon na ang nakakaraan.

“Biglaan po kasi ang pag punta ko dito Auntie mga isa o dalawang linggo lang po kami dito ni Tom.” Si Fabiana nang nasa loob na sila ng bahay.Kinagabihan ng umuwi na sa kanilang bahay ang Pinsan ng Papa niya habang natutulog na ang Anak niya ay tinitigan niya ang picture nila ni Tom kasama si Keiji.

“Anong gagawin ko.”Bulong ni Fabiana sa kanyang sarili habang nakatingin sa larawan nilang tatlo,namimiss na niya ang Binata pero kaylangan niyang lumayo at makapag isip.

GINUGOL ni Fabiana ang isang linggo niyang pamamalagi sa Davao sa pag muni-muni at pakipagbonding sa mga anak ng Tita niya,bumisita sa puntod ng kambal na kapatid na babae ng Papa niya at pagpunta sa simbahan araw araw ay pumapasyal siya sa simbahan at binibisita ang pastor nila wala siyang sinabihan maliban sa Kapatid niya tungkol sa problema niya ipinagpasa Diyos nalang niya ang saloobin at ang problema niya.

“diyos ko gabayan mo po ako,gabayan mo po ako sa mga desisyon ko at para makapag isip po ako at makapag desisyon ng tama. Dasal ni Fabiana sa tuwing nasa simbahan siya,tatlong araw palang sila sa Davao ay nakapag pasya na siyang haharapin niya si Keiji at kakausapin niya ito tungkol kay Tom at kung ano ang nangyari sa kanila noon.

“Ate kumusta na kayo diyan? nag punta na naman dito si Kuya Keiji araw-araw siyang pumupunta dito araw-araw  din itong umuuwi na malungkot.” Si Alexa nang minsan niya itong tawagan kausap niya ito sa araw na yun dahil namimiss na niya ito.

“Uuwi na kami bukas,pero wag mo sabihin kay Keiji.”

“Sa wakas! namimiss kana namin Ate dalawang linggo ka na diyan at ngayon ka lang tumawag sa akin.” Si Alexa na nahihimigan ni Fabiana sa tinig nito na nag tatampo ito tinawagan niya ito sa cellphone nito.

“Ano ka ba pumunta ako dito para makapag isip,wag kanang mag tampo babalik na nga ako diyan bukas.”

“Harapin mo na si Kuya Keiji at kausapin naaawa na ako sa kanya.”

“Oo na kakausapin ko na siya pag balik ko diyan bukas na bukas din.”

Narinig niyang nag buntong hininga ang kanyang kapatid,nagpaalam na ito sa kanya dahil papasok na ito sa trabaho nito pagkatapos niyang makausap ang kapatid niya ay inihanda na niya ang mga gamit nila ng Anak niyang si Tom,kahapon pa siya nakapagpaalam sa Pinsan ng Papa niya at sa mga anak nito.

DALA ang isang brown envelope na naglalaman ng DNA result nina Keiji at ng Anak niya ay pumunta si Fabiana sa condo ng nobyo niya kadarating lang niya galing sa Davao umuwi siya para ihatid ang anak niya saka siya dumiritso sa condo nito.

Malapit na siya sa condo ng nobyo niya ng makita niya na may isang babae na maputi at singkit ang mga mata nito na mag dodoorbell sa condo ni Keiji.

“Excuse me miss,Who are you?” Si Fabiana ng maka lapit na siya sa babae.

“Yes? iam looking for Keiji,and who are you too?” Pagtataray ng estrangherong babae.

Kumabog ang dibdib ni Fabiana kinakabahan siya,pipindutin na sana niya ang doorbell ng tabigin ng babae ang kamay niya mula sa doorbell.

“What are you doing,who are you?”

“I Am Fabiana, Keiji’s girlfriend!” Si Fabiana na nawawalan na ng pasensya sa babae.Nakita niya sa expression ng mukha na nagulat ito pero agad din napalitan ng nanguuyam na ngiti.

“I am Keiji’s wife so you better stay away from my husband.” Anang babae sabay tulak sa kanya palayo.“Dont ever get near with my husband again.” Bulyaw sa kanya ng babae nanghihina at umiiyak na umalis nalang siya sa building sumasakit ang ulo niya at para siyang nahihilo pinagpawisan na naman siya ng malamig, papunta na sana siya sa isang waiting shed para mag hintay ng taxi na masasakyan niya ng unti-unting nanlalabo ang mga mata niya hanggang sa natumba siya at mawalan ng malay hindi na siya umabot pa sa waiting shed.

 

CHAPTER 10

ISANG linggo na rin ang nakaraan ng bigla nalang umalis si Fabiana papunta sa Davao ang sabi ng kapatid nito ay biglaan nalang nakapag desisyon ang nobya niya na umalis para makapag isip.Nagulat nalang siya noon araw na ma discharge ito noon gabing yun ay pumunta sana siya sa bahay ng magkapatid para bisitahin si Fabiana pero hindi niya nadatnan ang nobya niya.

“Hayaan mo muna si Ate Kuya Keiji siguro kailangan niya ng space para sa sarili niya babalik rin naman sila kaagad kunting gamit lang ang dala nila kaya wag kang mag alala.”

ANG sabi sa kanya ni Alexa noong unang gabi na wala si Fabiana.

Papunta na si Keiji sa clinic niya sa mga oras na yun hindi na siya dumaan sa bahay nila ni Fabiana sa araw na yun gaya ng naka gawian niya araw-araw dahil maagang tumawag sa kanya ang assistant niya dahil may emergency daw sa clinic at kailangan niya agad na mag punta doon,sunod-sunod ang problema niya nitong nag daang araw,una ay ang biglaang pag alis ni fabiana at the other day tumawag uli ang Pinsan niya para sabihan siya na nasa Pinas na ang ex-fiancee niyang si Tori.

“Doc,may isinugod po na aso dito na manganganak hindi kasi alam ng may-ari kung ano ang gagawin kaya isinugod na dito.” Salubong sa kanya ng assistant niya sa kanyang clinic na si Bum.

Agad niyang sinuri ang aso na kita na ang ulo ng tuta sa pwerta nito,inalalayan niya ito dahil naka tayo ang aso hanggang sa makapanganak ito ng dalawang tuta pagkatapos niyang punasan ng malinis na tela ang mga tuta ay itinabi niya ito sa ina nito na humiga na sa sandaling iyon masayang naka bantay ang may ari ng tuta,binati niya ito saka siya lumabas ng silid at nag hugas ng kamay sa lavatory.Pupunta na sana siya sa opisina niya ng tumunog ang cellphone niya,kumabog ang dibdib niya ng makita niya sa screen na si Fabiana ang tumatawag sa kanya agad niyang sinagot ang tawag nito.

“Hello Fabie?”

“Hello Kuya Keiji? si Alexa to nandito ngayon sa hospital si Ate Fabiana nawalan siya ng malay nung paalis siya galing sa condo mo dinala siya dito ng guard sa condo dito sa hospital.”

“Kumusta siya ngayon Lex?” Si Keiji na lubos lubos na ang kanyang pag aalala.

“Unconscious pa rin siya Kuya.”Si Alexa sa kabilang linya ng telepono.

“Papunta na ako diyan i have to hung up now Lex.” Si Keiji saka pinutol ang tawag,pagkatapos niyang magpaalam sa kanyang assistant at mag bilin ng ilang bagay ay umalis na siya sa clinic para kunin si Fajie ang tuta na na rescue nila na Fabiana na naoperahan na niya at naging maayos na ang kalagayan nito kaya hindi na masyadong alagain naidrop niya ito sa bahay nina Fabiana para pagsamantala itong maalagaan habang babantayan niya si Fabiana saka siya pumunta sa hospital.

“Kumusta na si Fabiana Alex,gising na siya?” Si Keiji nang salubungin siya ng kapatid ni Fabiana.

“Wala pa rin siyang malay kuya,nag aalala na nga ako eh.” Sagot ni Alexa habang papasok na sila sa loob ng hospital.Sa nangyayari ngayon ay naisip ni Keiji na baka pag gising ni Fabiana ay naaalala na nito ang mga nawalang alala nito hindi niya alam kung makakabuti ba yun para sa kanila o nakakasama kinakabahan siya habang papalapit sila sa kwarto ni Fabiana ay lalong bumibilis ang tubok ng puso niya.

“Kuya kung pwede, ikaw muna mag babantay kay Ate on duty pa ako ngayon hindi ko pa siya mababantayan mas maigi kasi na may makikita siyang nag babantay sa kanya pag gising niya lalo na ikaw.” Si Alexa ng nasa loob na sila ng kwarto ni Fabiana sa hospital.

“Okey walang problema sa akin nag bilin na ako sa staff ko at di naman kami masyadong busy ngayon.” Si Keiji na napadako na ang paningin sa wala pa ring malay na si Fabiana.Mabigat sa kanyang loob na makita itong maputla at walang malay.

Nang umalis si Alexa ay umupo si Keiji malapit sa hospital bed ni Fabiana at maingat niyang hinawakan ang kamay nito.“My Fabie-naririnig mo ba ako? sana gumising kana nag aalala na kami sa’yo,gumising ka kahit para lang sa Anak mo,kailangan ka niya,kailangan kita.” Si Keiji na naiiyak na.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Fabiana at naka yuko si Keiji habang nagdadasal hanggang sa makatulog siya na naka yuko sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng dalaga.

Naalimpungatan si Keiji ng maramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Fabiana na hawak parin niya,muli itong gumalaw kaya nag angat na siya ng kanyang mukha. “Fabie,gising kana?” Si Keiji na umaasang hindi lang niya imahinasyon na gumalaw ang kamay ng nobya niya pero laking tuwa niya ng dahan-dahan itong nag dilat ng mga mata.

“Fabie salamat sa Diyos at nagising kana,ayos lang ba ang pakiramdam mo?”

“Okey lang ako Kei,bakit nandito ka?” Si Fabiana na nahihimigan niya ng pagtatampo ang tinig nito.

Kumunot ang noo ni Keiji sa sinabi at inaakto ni Fabiana sa kanya bubuka na sana ang bibig niya para magsalita ng makarinig siya na bumukas ang pinto at may nagsalita sa likoran niya.

“Ate wag kang ganyan mag damag kang binantayan dito ni Kuya Keiji is that how you show to him how thankful you are?” Si Alexa na seryoso ang mukha at tono ng tinig nito.“Dumaan lang ako dito to check on both of you at para dalhan din kayo ng pagkain,Ate Fab mag usap kayo nang maayos ni Kuya Keiji pakinggan mo rin ang side niya.” Dagdag pa ni Alexa.Inihanda nito ang mga dala nitong pagkain sa maliit na mesa ng mga sandaling iyon ay hindi nagsalita si Fabiana animuy nag iisip o nag mumunimuni ito.

“Salamat Lex wag kang mag alala ako ang bahala sa Ate mo aalagaan ko siya ng mabuti.” Si Keiji na tinutulungan na ang kapatid ni Fabiana.

“Pasensya kana kay Ate ha Kuya magulo lang ang isip niya kailangan ninyong mag usap.” Pag hingi ng paumanhin ni Alexa kay Keiji.“Ate aalis na ako babalik ako dito mamaya bago ako uuwi sa atin para e check sina yaya at Tom at para na rin maka kuha ng iilang damit para sa’yo,please Ate wag ka muna magalit o mag tampo o magalit kay Kuya Keiji.” Baling ni Alexa kay Fabiana bago ito umalis.Iniisip ni Keiji at sigurado siya na bumalik na ang mga nawalang alaala ni Fabiana natatakot siya pero alam niyang kailangan niya itong harapin.

NAG salita lang si Fabiana ng umalis na ang kapatid nito.

“Nandito ngayon si Tori sa Pinas.” Si Fabiana sa malamig nitong boses.

Nagulat si Keiji sa sinabi ni Fabiana pero sa puso niya natutuwa siyang ganoon ang inaakto ni Fabiana halata kasi na nag seselos ito.

“Hindi ko alam na nandito siya ngayon sa Pilipinas at wala akong paki-alam sa kanya kayo ni Tom ang priority ko.”

Nag buga ng hangin si Fabiana.“She claim na mag asawa na kayo nag kita kami ng hindi sinasadya sa labas ng condo mo hinahanap ka niya.” Pag susumbong sa kanya ni Fabiana.

“At pinaniniwalaan mo yun?” Si Keiji na hawak na ang kamay ng dalaga.

Mariing umiiling si Fabiana.“Hindi,pero sinabihan niya akong layuan ka at itinulak pa niya ako.”

“What!? Itinulak ka niya,siya ba ang dahilan kung bakit ka naospital ngayon?”

“No,hindi naman niya ako masyadong nasaktan,bigla nalang sumakit ang ulo ko sa subrang sakit nawalan ako ng malay.”

“Siya ang dahilan Fab wag mo na siyang ipag tango-”

“Bumalik na ang alaala ko Kei.” Putol ng dalaga sa sasabihin pa ni Keiji.Nanlamig si Keiji sa narinig niya mula kay Fabiana,mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.

“Kei,kailangan mo siyang harapin kung seryoso ka sa relasyon natin at kung mahal mo talaga ako,kami ng A-anak mo haharapin mo si Tori at bibigyan mo siya ng closure para hindi na niya tayo guguluhin pa at para magkaroon tayo ng peace of mind.” Si Fabiana na tumingin sa bintana ng kwarto.

.“T-tama pala ang hinala ko na ako ang Ama ni Tom?” Si Keiji na humarap na kay Fabiana,hindi na siya masyadong nagulat ng mga sandaling yun noong una pa lang ay naghinala na siya at umaasa na siya ang tunay na Ama ni Tom.

Napa kagat ng labi si Fabiana at kinuha niya mula sa kanyang shoulder bag ang brown envelope laman ang DNA test result nina Keiji at Tom na binasa naman ni Keiji.

“Fab please give me a chance na maalagaan ko kayong mag ina ko,n-ngayon na naaalala mo na ang lahat wala na tayong problema right? please say yes please? natatakot akong biglana naman kayong umalis na Mag Ina ko.” Pagsusumamo ni Keiji na maiiyak na, kay Fabiana.

Ngumiti si Fabiana na may pumapatak ng luha mula sa kanyang mga mata,tears of joy.“Kausapin mo si Tori at bigyan mo siya ng closure para wala na talaga tayong problema.”

“Oo kakausapin ko siya pero sa ngayon aalagaan muna kita hindi lang para sa akin pati na rin sa ating Anak kailangan ka namin kaya magpalakas ka.”

“Salamat Kei,salamat sa lahat lahat hindi ka pa rin nag babago sa akin.” Si Fabiana na nakangiting humarap na kay Keiji.

“I hope you dont mind Fabie pero- Anong nangyari noon at bigla kang nawala at nakuha ni Xin?”

Nakita ni Keiji sa kilos ng nobya niya na nagaalinlangan ito sa pag sagot sa kanya pero maya maya lang ang nagsalita rin ito.

“Nakuha niya ang telephone number mo nagising ako noon na nag riring ang telepono hindi na kita ginising at ako na ang sumagot sa tawag,si Xin pala ang tumatawag pinagbantaan niya ako na kung hindi ko siya puntahan at sumama sa kanya ay madadamay ka sa galit niya na gagawin niya ang lahat para mapatay ka niya ayoko naman na madamay ang mahal ko sa buhay lalo kana o ang ibang tao kaya palihim akong lumabas ng village, h-hindi ko na nalaman kung paano niya ako na trace at kung paano niya nalaman ang telephone number mo.” Si Fabiana na parang maiiyak na habang naalala ang pag babanta sa kanya ng dati niyang nobyo.

Hindi na napigilan at matiis ni Keiji ang sarili na yakapin ang kanyang nobya para aluin ito.

Dalawang araw na naconfine si Fabiana naninigurado ang doctor na sumuri sa kanya na wala ng problema sa kalagayan ni Fabiana dalawang araw din siyang binantayan ni Keiji mabuti nalang at may malapit na tindahan na nag bebenta ng ukay-ukay para makapagpalit siya ng damit malayo kasi ang condo niya mula sa hospital walking distance malapit sa hospital ayaw niyang iiwan si Fabiana ng matagal at nag aalala siya dito at ayaw din naman itong maiwang mag isa at ayaw din niya munang makaharap si Tori ngayong nasa hospital si Fabiana at baka kung ano pa ang gawin niya sa babae galit na galit siya kay Tori dahil nasaktan nito si Fabiana.

Hinatid muna ni Keiji sa Fabiana sa bahay nito hindi siya pinatagal ng nobya niya sa bahay nito para daw makapagpahinga siya at kung nag hihintay sa kanya si Tori ay para makausap na niya ito ng maayos sinunod nalang niya ang nobya niya na umuwi na at laking gulat niya ng madatnan niya doon si Tori sa labas ng condo unit niya bagot na bagot at haggard ang hitsura nito ngunit nang makita siya ay para itong na recharge pero sumimangot ito.“Where have you been,Ive been here waiting for you for two days!?” Galit na salubong sa kanya ng ex-fiancee nito.

Dumilim ang anyo ni Keiji.“Stay away from my family Tori i did forgave you when you walk away with other man on the day of suppose to be wedding our day but i will never ever forgave you if you will bother or hurt Fabiana whom i truly love and the Mother of my Son!” Si Keiji na namumula na ata sa galit.

Nakita ni Keiji na namutla ang babae ng marinig na si Fabiana ang ina ng Anak niya at umiyak na ito.

“I cant be move by your tears Tori iam sorry but i truly love Fabiana and my Son you can’t have me back so please leave us alone please!.”

Tinignan siya nito ng masama.“Fine! i will just leave you alone with your family i dont have a choice.”Anang babae saka tumalikod sa kanya at umalis na umiiyak.

Bago pa ito umalis ay nakita niya sa mga mata nito ang hinanakit at galit,naaawa siya sa babae pero wala na itong magagawa mahal niya sa Fabiana at ang Anak niyang si Tom.

 

CHAPTER 11

                                                   WALA pa ring pag sidlan ang kaligayahang nararamdaman sa puso ni Fabiana tuwing maaalala niya ang araw ng maalala na niya ang nawalang memorya niya kasama na doon ang mga ala-ala niya kay Keiji,alas tres palang ng madaling araw ay gumising na siya para ihanda ang surprise niya para kay Keiji kasabuwat niya ang staff ng Binata sa clinic nito.Dahil walang tanim o decorasyon sa labas ng clinic ni Keiji ay napagpasyahan ni Fabiana na lagyan ng apat na bonsai at roses sa harap ng clinic nilagyan din niya ng naka paso na pity mini rose at picture nila na naka frame na kasama ang anak nila kuha ang picture ng mamasyal sila noong nag daang araw sa park malapit sa bahay nila ni Fabiana ang table sa office nito tumulong na rin sa pag hahakot ng mga halaman ang Kapatid niya.

“Ma’am i libre mo lang ako ng breakfast okey na ako dun bilang kabayaran sa pag tulong ko sa inyo sa surprise ninyo po para kay Doc.” Pagbibiro ni Bum kay Fabiana.

“Oo nga Ate ilibre mo kami ng breakfast nakakagutom kaya mag buhat ng mga bonsai.” Segunda ni Alexa sa pag bibiro ni Bum na may pa hawak hawak pa sa tiyan nito.

Umiiling na naka ngisi si Fabiana kina Bum at Alexa.

“Oo na ililibre ko kayo ng breakfast yun naman talaga ang plano ko eh mga patay gutom talaga kayong dalawa!.”

Tinawanan lang siya nina Bum at Alexa tinulungan nalang niya ang mga ito sa pag arrange ng mga bonsai sa labas ang multicab ni Bum ang inarkila ni Fabiana para madala nila ang apat na Bonsai galing sa flower shop niya papunta sa clinic ni Keiji.Minamadali ni Fabiana na matapos sila sa clinic para makapag handa siya ng paborito nilang pagkain ni Keiji ang chicken teriyaki.

TAPOS na niyang ihanda ang niluto niyang chicken teriyaki ng tawagan siya nang mag ring ang cellphone niya,napangiti siya ng makita niya na ang kanyang nobyo ang tumatawag sa kanya.

“Hello my Fabie goodmorning maayos ka bang naka tulog?”

“Goodmorning my Keiji,oo maayos akong nakatulog ang aga mong tumawag ah mag aalas tres palang ng madaling araw.”

“May plano kasi ako mamaya hindi kaba busy ngayong araw?”

“Hindi naman bakit?”

“Gusto kung bumisita tayo sa puntod ng Parents mo at sa puntod ng Mama ko mamayang hapon pagkatapo ng trabaho natin.”

“Sige mamayang hapon pupunta tayo sa sementeryo mamayang hapon,siya nga pala pupuntahan kita sa clinic mamaya magdadala ako ng pagkain sabay tayong mag breakfast ha my Kei.” Si Fabiana na namimiss na si Keiji.

“Okey see you later my Fabie kaylangan ko ng ilabas si Kuracha.” Si Keiji na ang tinutukoy nito ay ang tuta na nasagip nila ni Fabiana sa sementeryo dalawang taon na ang nakakaraan walang magawa at sumangayon nalang si Keiji at Fabiana kay Alexa na Kuracha ang ipangalan sa tuta.”

“Okey bye ingat kayo.” Si Fabiana saka ibinaba ang kanyang cellphone.

Masaya siyang sinalubong ni Keiji ng dumating siya sa clinic nito at nagpapasalamat sa naging surprise niya sa binata masaya silang sabay na nag agahan kasama nina Alexa at Bum hindi rin nag tagal si Fabiana at Alexa sa clinic ni Keiji si Alexa ay may duty sa araw na yun si Fabiana naman ay magbabantay sa kanyang shop.

“Alam mo noong araw na nakipag lapit ka sa amin ng kapatid ko unconsciously hindi ko kailangan patunayan sa sarili ko na mabuti ang hangarin mo sa amin at mabuti kang tao,hindi man kita noon maalala pero kilala ka ng puso ko,noong nag tapat ka ng pag-ibig sa akin nag dalawang isip man ang utak ko pero hindi ang puso ko at mas nanaig ang kagustuhan ng puso ko,mas nanaig ang pagmamahal ko sa’yo.” Basag ni Fabiana sa katahimikan sa pagitan nila ni Keiji,nasa puntod sila ng mga magulang nila ni Fabiana sa mga sandaling iyon.

“Mahal na mahal kita Fab kahit ilang ulit mo man akong makalimutan at ang mga alaala natin ay hindi pa rin ako susuko para sa ating dalawa hindi ako mag sasawang paulit-ulit na susuyuin ka dahil ikaw lang ang babaing mahal ko and i will love you a thousand more my Fabie.” Si Keiji saka may kinuhang maliit na kahon nakikita niya sa hitsura ng binata na kinakabahan ito.“Oh will i guess this is the right time this this.” with that nagulat si Fabiana ng lumuhod ito sa harapan niya.“I know this is not a proper place pero gusto ko rin na kasali at saksi ang mga parents mo sa gagawin ko.Tito and Tita mahal na mahal ko po ang anak ninyo kaya bigyan ninyo po sana ako ng basbas.” Si Keiji na bumaling muna sa puntod ng mga magulang ni Fabiana saka bumaling sa dalaga.“ My Fabie-Will you Marry Me?” Sa mga sandaling iyon ay wala sa sariling natakpan ni Fabiana ang kanyang bibig sa pagka bigla at naiiyak na rin siya sa tuwa hindi na siya makapag salita at tanging tango lang ang naisagot niya kay Keiji.

Nakangiting kinuha ni Keiji ang kanyang kaliwang kamay at isinuot sa kanya ang engagement ring na may apat na maliliit na diamante na natatandaan niyang suot iyon noon ng Mama ni Keiji.

“Kei,Hindi kaya ako mumultuhin ng Mama mo nito na ibinigay mo sa akin to?” Pag papatawa ni Fabiana para gumaan ang emosyong nararamdaman nila ni Keiji.

Natatawag ginulo ni Keiji ang buhok ni Fabiana.“ Silly hindi ka mumultohin ni mama,hindi mo alam pero ikaw ang ang naging dahilan upang mag hilum ang sugat at hinanakit sa puso ko,you unconsiously did teach me that love heals a broken heart and soul iam very sure na botong boto siya sa’yo.” Naka ngiting turan ni Keiji na naka yakap na sa kanya.

TATLONG buwan ang nakararaan ay ginanap ang kanilang kasal sa bakuran ng animal shelter isang simple na ceremenya ng kasal nila at reception pero solemn ng kasal nila kamag anak at kapwa nila voluunteer at ang president ng animal welfare ang naging panauhin at saksi ng kanilang kasal dahil ayaw nina Keiji at Fabiana na gumastos ng malaki dahil mas gusto nilang ilaan sa mas makahulungang bagay igagastos ang pera nag lalaan sila ng pera para sa mga future rescues at sa kinabuksan ng anak nila.

“My Fabie masaya kaba ngayon?” Si Keiji habang nakayakap sa kanya mula sa likoran,nasa ancestral house sila sa mga sandaling iyon katatapos lang ng kanilang kasal nakiusap sa kanila ang Ama ni Keiji na mas sama-sama sila sa iisang bahay para sa get together nila kinabukasan,dalawang linggo bago ang kasal nila ay dumating ang Ama,Pinsan at ang Tita ni Keiji para maka bonding sila at para Makilala si Fabiana at naging close din sina Alexa at Pinsan ni Keiji naging Bff ang dalawa.

“Oo naman masayang masaya ako nairaos natin ang kasal natin ng walang naging problema at nandito ang mga pamilya natin wala na akong mahihiling pa.” Si Fabiana na hinawakan ang mga kamay ni Keiji na nakapulupot sa kanya.“Mahal na mahal kita my Keiji my Mr.Doc Keiji Harada.” Buong pusong pahayag ni Fabiana sa kanyang kabiyak.

“Mahal na mahal din kita my Mrs.Fabaiana Llenos Harada.I will love you a thousand more forever kayo ng anak natin.” Si Keiji na nabanggit ang kanilang anak na katabing natutulog ang Ama ni Keiji na sabik na sabik sa apo nito.At sa mga sandaling iyon ay humarap na si Fabiana kay Keiji na sinalubong nito ng isang nag aalab ngunit may kasamang pagmamahal na Halik.

          ~THE END~

 TAMARA LL-

                                     

 

 

       

                             

                               

                              

                                                    

 

                                                         

                                                            

Help needed for this dog.

10348457_10152624238929807_8889377991680204473_nThis dog, named Puti, is a stray dog in recto area, he has hernia thus he has a hard time walking, “bumababa na un bituka” as my neighbor says.. my neighbor took pity on him, so he had him operated on November 6. she even rented a place where the dog could stay and heal.. but after a few days, the dog’s wound started to swell, and bleed.. he got an infection.. my neighbor went to another vet, the vet says they have to wait for the dog to regain strength to operate him again, he also has tumor.. my neighbor cannot pay for his bills already, for it has reached 14k. she has to take him out of the vet.. The dog is currently in another place, hoping to regain strength, but he is not eating, maybe because of the pain that he is undergoing..
if anyone can help for his medical bills or help get this dog.. please message me..